Dalaga pa rin | Bandera

Dalaga pa rin

Joseph Greenfield - November 15, 2013 - 03:00 AM

Sulat mula kay Ima ng Barangay Mahayahay,
Iligan City
Dear Sir Greenfield,
Maganda ako at may trabaho pa.  Sinumang magsasabi na hindi ako maganda ay makikipagtalo ako.  Wala na ako sa kalendaryo at iyan ang aking labis na ikinababahala dahil wala pa rin akong boyfriend.   Ngayong wala na ako sa kalendaryo, masasabi ko na malas ang love life ko.   Ang mga amiga ko ay may kanya-kanyang asawa at mga anak na.  Heto ako, dalaga pa rin.  Kailan kaya ako makapag-aasawa?  May lalaki bang itinakda sa akin? Kung meron, kailan naman kaya siya darating?  Gusto ko na siyang sunduin, kung puwede.
Umaasa,
Ima ng Barangay Mahayahay, Iligan City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw na guhit at kaisa-isang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad, kahit medyo na late o nahuli ang pagdating nito. Ang ibig sabihin, kahit wala ka na sa kalendaryo ay hindi ka dapat mabahala o kabahan dahil siguradong sa takdang panahong inilaan ng kapalaran ay magkaka-boyfriend ka at makapag-aasawa.
Cartomancy:
“Mayaman, mabait, at nakapag-aral ang lalaking magiging boyfriend mo”. Ito ang nais sabihin ng Five of Diamonds, Four of Diamonds at Nine of Diamonds. Ang nasabing lalaki ay makikilala mo sa isang paglalakbay, maaari sa eroplano, sa bus o kaya’y sa barko.  Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending