Rufa Mae may warrant of arrest din, damay sa kaso ni Neri

Rufa Mae Quinto may warrant of arrest din, damay sa kaso ni Neri Miranda

Ervin Santiago - December 03, 2024 - 08:07 AM

Rufa Mae Quinto may warrant of arrest din, damay sa kaso ni Neri Miranda

Neri Miranda at Rufa Mae Quinto

CONFIRMED! May warrant of arrest din si Rufa Mae Quinto kaugnay ng umano’y investment scam na kinasasangkutan ng beauty clinic na kanyang ineendorso.

Mismong ang talent manager ni Rufa Mae na si Boy Abunda ang nagbalita na inisyuhan din ang komedyana ng warrant of arrest tulad ni Neri Miranda dahil sa mga kasong syndicated estafa.

Sa episode kahapon ng “Fast Talk with Boy Abunda” sinabi ng King of Talk na nadamay din ang kanyang talent sa kaso ng naturang beauty company.

“I am alarmed as a member of this industry and as a manager. Para bang gusto kong balikan lahat ng kontrata. Ang endorser ba ay salesman? Kapag sinabi ko pong bumili ho kayo ng donuts na ito, ano ba ang aking responsibilidad?

Baka Bet Mo: Madlang pipol kanya-kanyang hugot sa pagkakulong ni Vhong Navarro; ‘It’s Showtime’ hosts nag-group hug

“Sa aking pagkakaunawa bilang manager, ang nagwa-warrant po sa publiko na ang produkto ay maganda, ay matino ang serbisyo ay ang may-ari ng kompanya.

“Ang endorser ay maniniwala lamang doon sa sinasabi ng may-ari,” esplika ni Tito Boy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sey pa ng premyadong TV host, ang nangyari kina Rufa Mae at Neri ay isang wake up call para sa lahat ng mga taga-entertainment industry upang mas maging maingat sa pagpasok sa anumang negosyo o kontrata.

“It’s a very complicated case pero palaisipan po ito. I think the industry as a whole we should be studying our contracts more at kaninong responsibilidad ba ito.

“Naghikayat ako bumili ka ng bahay, naghikayat akong bumili ka ng condo. Saan nag-uumpisa at nagtatapos ang responsibilidad?

“Do I own the company? Am I liable kung, halimbawa, hindi masyadong kagandahan? But I have so many questions. I know that the case is in court,” aniya pa.

Patuloy pa ni Tito Boy, “Isa pang point of interest kung paano kaya nakonekta itong sila Neri, itong sila Rufa Mae doon sa kaso ng piskalya.

“It’s really interesting na dapat marami tayong matutunan bilang members of the industry, lalo ang mga artist at mga manager but that’s for another episode. Eto po ‘yung aking nararamdaman kaya hindi ko po napigilan na hindi magsalita,” dagdag pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang inaresto at ikinulong si Neri sa Pasay City Jail matapos akusahan ng paglabag sa Section 8 ng Republic Act No. 8799 na kilala rin bilang Securities Regulation Code.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending