‘Disney On Ice’ mas pinabongga, mas pinalawak ang schedule
MAGHANDA na sa isang enchanted na karanasan ngayong Holiday season!
For sure, mas marami na ang makakapanood ng inaabangang ice skating concert na “Disney On Ice” dahil nadagdagan ito ng bagong petsa at oras.
Ang bagong time slot ay sa December 27, 3 p.m. kung saan higit 7,000 prime view seats ang naghihintay para sa fans!
Para sa taong ito, ihahatid ng Disney On Ice ang temang “Find Your Hero” na tampok ang mga walang-kupas na kwento ng ating paboritong Disney heroines mula December 21 hanggang January 5 next year.
Abangan ang mga karakter tulad nina Mirabel, Moana, Ariel, Rapunzel, Belle, Elsa, at Anna na magpapakilig sa pamamagitan ng makabagong ice skating performances, nakakamanghang props at costumes, special effects, high-flying acrobatics, at mga breathtaking stunts.
Baka Bet Mo: Kim Chiu biglang naiyak habang nasa Disney World: Wala naman akong mabigat na pinagdaraanan pero…
Bukod diyan, huwag ding palampasin ang espesyal na debut ni Mirabel mula sa Disney movie na “Encanto!”
Muling isasalaysay riyan ang kanyang journey para iligtas ang kanilang enchanted home, kasama niya ang kanyang mga kapatid na may superpowers na sina Isabela at Luisa.
Tiyak na mapapakanta ka rin sa high-energy production numbers na kung saan tampok ang ilang iconic songs katulad ng “How Far I’ll Go,” “Be Our Guest,” at “Let It Go.”
At siyempre, hindi mawawala sina Mickey at Minnie na siyang magbahahagi ng mga kwento ng Disney superstars.
Ano pang hinihintay niyo? Tara na at mag-glide papunta sa SM Mall of Asia (MOA) Arena para sa isang di-malilimutang Disney magic!
Ang ticket prices ay mula P300 para sa general admission at umaabot ng hanggang P5,400 para sa front row seats.
Mabibili ang mga tickets sa anumang authorized SM Tickets outlets o online sa website na ito: www.smtickets.com.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.