KC kinuwestiyon sa pagdo-donate ng P5-M...nasaan na? | Bandera

KC kinuwestiyon sa pagdo-donate ng P5-M…nasaan na?

Alex Brosas - November 15, 2013 - 03:00 AM

KC CONCEPCION

Hind nagpatalbog si KC Concepcion sa kanyang inang si Sharon Cuneta.

If Sharon donated P10 million to Yolanda victims, P5 million naman, that’s according to Kris Aquino, ha, ang idinonate ni KC para sa mga biktima ng nakaraang bagyo. Si Kris ang nagbuko nito sa kanyang show.

But this early, marami ang umalma. Bakit daw kailangan pang i-announce ang kanyang donation. Ano daw ba ‘yon, nagyayabang?

“Bakit kailangang ipaglantaran pa sa tao na nagdonate sila at kung magkano ito? Magdonate na lang tayo ng mula sa puso hindi yung para magpapansin at pumukaw lang ng atensyon ng tao…Ano ito pulitika?” mataray na comment ng isang guy.

“Kailangan pa talagang i broadcast ang amount ng donations nila..di ba pwedeng anonymous na lang,” susog naman ng isa pa.

May isang tila nagda-doubt pa at sinabing, “Ang dali dali magyabang sa tv. ang tanong, nasaan ang ebidensyang may 5 Million nga? Ha-hahahaha!”

But for this one fan ay okay lang ang ginawa ni Kris, “Ok lang paglantaran na nag donate sila para alam kung magkano na nalilikom para hindi napupunta sa kung kani kaninong bulsa yung mga donations.

“Even Pnoy sinabi na bantayan ang mga donations. meaning para mabantayan mo kelangan monitor mo yun ng very transparent,” sey pa nito.

For us, okay lang naman na i-public ang donation para may accountability sa pinagbigyan. At sana lang, merong maglabas ng accounting kung saan napunta ang perang idinonate ng mga artista for transparency.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending