Kathryn Bernardo walang balak baguhin sa mga nangyari sa buhay

Kathryn walang babaguhin sa buhay: Kailangan ko ‘yung ma-experience

Therese Arceo - November 13, 2024 - 03:11 AM

Kathryn walang babaguhin sa buhay: Kailangan ko 'yunh ma-experience

SA kabila ng maraming mga pinagdaanan ay walang nararamdamang regrets ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

Sa kanyang naging panayam sa “Kapuso Mo, Jessica Soho”, sinabi ng aktres na wala siyang balak baguhin sa mga nangyari sa nakaraan kahit na ang mga napagdaanan nitong heartbreaks kahirt pa bigyan siya ng pagkakataon.

“Because I felt like lahat po ng nangyari ngayon and noon kung hindi ‘yon nangyari baka ibang Kathryn ‘yong humarap sa inyo ngayon,” pagbabahagi ng dalaga.

Aniya, lahat ng mga nangyari sa kanya ay may dahilan.

Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo ipinanalo ni ‘DJ’ sa ‘Family Feud’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“And I feel like anything o everything that happened, lahat ‘yon may reason. I just love my life now,” dagdag pa ni Kathryn.

Chika pa niya, lahat raw ng mga ito ay dapat niyang pagdaan para maging “siya”.

“So lahat ng failures, lahat ng victories, lahat ng sadness and happiness kailangan ko ‘yong ma-experience to be this Kathryn now. So wala akong papalitan,” lahad ni Kathryn.

Matatandaang sa naging guesting niya kamakailan sa “Fadt Talk with Boy Abunda” ay inamin niyang wala siyang pagsisisi sa mahigit isang dekadang relasyon nila ng first boyfriend na si Daniel Padilla.

“When the break-up happened, ang dami ko ring natutunan after sa sarili ko at sa lahat ng mga nangyayari,” pagbabahagi ni Kathryn.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending