Miami Heat tinupok ang Milwaukee Bucks | Bandera

Miami Heat tinupok ang Milwaukee Bucks

Melvin Sarangay - November 14, 2013 - 03:00 AM


MIAMI — Umiskor si LeBron James ng 33 puntos habang si Michael Beasley ay gumawa ng 19 puntos mula sa bench para tulungan ang Miami Heat na bugbugin ang Milwaukee Bucks, 118-95, sa kanilang NBA game kahapon.

Nagtapos naman si Mario Chalmers ng 15 puntos at pitong assists para sa Heat, na ang dating pinakamalaking kalamangan na naitala ay ang 12 puntos na panalo laban sa Chicago Bulls noong opening night.

Si Chris Bosh ay nag-ambag ng 10 puntos para sa Miami (5-3). Sina John Henson at Gary Neal ay umiskor ng tig-18 puntos habang si Giannis Antetokounmpo ay nagdagdag ng 11 puntos para sa Milwaukee.

Si Caron Butler, na naging tanging double-digit-scoring starter para sa Bucks (2-4), ay nagtapos na may 10 puntos.
Hindi naman naglaro para sa Miami sina Udonis Haslem at Ray Allen.

Pinalitan naman ni Shane Battier sa power forward position si Haslem.

Mavs 105, Wizards 95

Sa Dallas, gumawa si Dirk Nowitzki ng 19 puntos para malagpasan si Jerry West sa NBA career scoring list at pamunuan ang Dallas sa panalo kontra Washington.

Nagbuslo si Nowitzki ng magkasunod na  3-pointer sa huling bahagi ng ikatlong yugto at ang huling tres ay nagbigay sa kanya ng kabuuang 25,194 puntos para sa ika-16 puwesto, dalawang puntos ang angat kay West.

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending