‘Nika’ bagong bagyo sa bansa, Signal No. 1 sa Catanduanes

‘Nika’ bagong bagyong binabantayan sa bansa, Signal No. 1 sa Catanduanes

Pauline del Rosario - November 09, 2024 - 02:09 PM

‘Nika’ bagong bagyong binabantayan sa bansa, Signal No. 1 sa Catanduanes

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

KALALABAS lang ng bagyong Marce, pero may bagong sama na panahon sa ating bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), naging ganap na bagyo ang binabantayan nilang Low Pressure Area (LPA).

Pinangalanan nila itong “Nika” na huling namataan sa layong 1,145 kilometers silangan ng Southeastern Luzon.

Taglay nito ang lakas na hanging 55 kilometers per hour malapit sa gitna at bugsong aabot sa 70 kilometers per hour.

Kasalukuyan itong kumikilos sa bilis na 30 kilometers per hour pa-kanluran.

Baka Bet Mo: Direktor umalma sa pagbabalita ng mga bagyong papasok sa PAR

Ayon sa 11 a.m. weather report ng PAGASA, ito ay posibleng tumama sa lupa sa Isabela o Aurora sa darating na Lunes, November 11.

Bukod diyan, inaasahan na patuloy na lalakas ang bagyo hanggang sa maging Severe Tropical Storm.

Sa ngayon, nakataas na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang Catanduanes.

Ayon naman sa update ng weather specialist na si Chenel Dominguez, mino-monitor din nila ang isang LPA na nasa labas ng Mindanao.

“Sa ngayon po, medium chance siya na maging isang ganap na bagyo or possible po siya na maging isang ganap na bagyo within the next 24 to 48 hours,” sey niya.

Base sa general weather bulletin ng ahensya today, wala pang direktang epekto ang dalawang weather disturbances sa ating bansa.

Pero asahan ang isolated rainshowers sa Cagayan Valley at Aurora dahil sa Easterlies.

Uulanin din ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa dulot naman ng localized thunderstorms.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending