Kris naospital uli para sumailalim sa bagong medical procedure

Kris naospital uli para sumailalim sa bagong medical procedure

Ervin Santiago - October 28, 2024 - 08:26 AM

Kris naospital uli para sumailalim sa bagong medical procedure

Kris Aquino

GUSTUNG-GUSTO sana ng Queen of All Media na si Kris Aquino na makibahagi sa relief operations para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Kristine.

Tulad ng ilang kilalang celebrities at ng nakagawian na niya nitong mga nagdaang taon, nais sana ng TV host-actress na personal na mamahagi ng ayuda sa napakaraming biktima ng hagupit ni Kristine.

Ayon sa confidante at malapit na kaibigan ni Kris na si Kuya Dindo Balares, kundi lang daw siguro sa kundisyon ngayon ng nanay nina Joshua at Bimby, siguradong nagsagawa na rin ito ng sariling relief operations mula sa sarili niyang bulsa.

Baka Bet Mo: Bossing Vic gustung-gusto nang magsalita tungkol sa mga isyu ng ‘Eat Bulaga’ pero may pumipigil daw, sino kaya?

Sa pamamagitan ng Facebook, nagbigay ng update si Kuya Dindo tungkol kay Kris na balitang magbabalik-telebisyon na rin very soon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


Kalakip ang latest photo ni Kris, narito ang FB status ng dating entertainment editor.

“Sa mga pagkakataong tinatamaan ako ng melancholia — nitong mga nakaraang araw, dahil sa Bagyong Kristine — laging nagkakataon na kumokontak si Kris Aquino.

“You know Krisy, kahit may mga pansariling pinagdadaanan napakabilis makatunog kung kailangan mong magtanggal ng mga kalawang sa panga at ngala-ngala.

“Matagal-tagal na akong ‘di tumatawa ng napakalakas, ngayong umaga lang uli,” chika ng malapit na kaibigan ni Kris.

Patuloy pa niya, tinawagan daw siya ng premyadong TV host at aktres dahil nais nitong ipaalam na iko-confine uli siya sa ospital.

“Ang pagtawag (ni Kris), para ipaalam na papasok siya ngayong gabi (kahapon, October 27) sa Makati Medical Center for another procedure.

“Nakaka-guilty na siya na nga ang kailangang pasayahin, siya pa ang umaliw.

“Paano ba naman, gustong sumali sa relief operations! E, dapat nga siyang sumailalim sa operation sa Makati Med!

“Mahaba ang kuwentuhan namin, at ikukuwento ko rin para sa kanyang followers. Pakiabangan po.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nakatulog daw siyang mabuti kaya nagpadala ng photo. Yes, latest photo niya ito,” pagbabahagi pa ni Kuya Dindo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending