‘Leon’ nasa bansa na, posibleng maging ‘typhoon’ sa mga susunod na araw
KAKALABAS lang ng bagyong Kristine, pero may bagong bagyo na binabantayan sa ating bansa.
Ito ang bagyong Leon na pumasok sa ating bansa kagabi, October 26.
Base sa 5 a.m. weather report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong araw (October 27), huling namataan ang weather disturbance 1,195 kilometers silangan ng Central Luzon.
Ang taglay nitong lakas na hanging ay 65 kilometers per hour malapit sa gitna at bugsong aabot sa 80 kilometers per hour.
Kasalukuyan nitong binabadya ang kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Baka Bet Mo: SB19 may pa-donation drive para sa nasalanta ng bagyong Kristine
Ayon sa Weather Specialist na si Grace Castaneda, inaasahang mananatiling malayo sa kalupaan ang bagyo, ngunit magiging mas malapit ito sa silangan ng extreme northern Luzon sa mga susunod na araw.
Iniulat din ni Castaneda na walang itinaas na Tropical Cyclone Wind Signal, pero ito ay lalakas.
“Nakikita din po natin ‘yung possibility na magkaroon po ito ng period ng rapid intensification by tomorrow (Oct. 28) until Wednesday (Nov. 3) na kung saan posible naman nitong ma-reach naman ang Typhoon category by Monday evening (Nov. 1) or Tuesday early morning (Nov. 2),” paliwanag ng weather specialist.
Samantala, ang bagyong Kristine na patuloy na lumalayo sa ating bansa ay may tiyansa pa ring bumalik sa ating area of responsibility.
Wala pang epekto ang bagyong Leon, pero magpapaulan ang Southwesterly Windflow sa Western Visayas, Negros Island Region, Zamboanga Peninsula, BARMM, Occidental Mindoro, at Palawan.
Dahil naman sa Localized Thunderstorms, mararanasan ang isolated rainshowers sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.