MMFF trophies para sa mananalo sa Gabi ng Parangal 2024 ibinandera
SA ginanap na final 5 films entries para sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) ay kasabay ang unveiling ng sosyal na tropeong ipamimigay sa mga mananalo ng awards sa Gabi ng Parangal na gaganapin naman sa Disyembre 27, Metropolitan Theater, Manila.
Gawa sa stainless statuette trophy with upper torso na may film reel at nakabalot ng film strips ay dinisenyo ng Filipino-American visual artist na si Jefre Manuel Figueras o mas kilala bilang si Jefre.
Matatandaang in-anunsyo ni MMDA/MMFF Chairman Atty. Don Artes noong Hulyo 2024 na si Jefre’s ang magdi-disenyo ng tropeo Nauna naman itong pinost ni Jefre sa kanyang Instagram Stories.
Nakilala si Jefre sa dinisenyo niyang 12-meter tall Time stainless steel human sculpture na nasa harap ng SM Megamall at nakikita ang kabuuan nito kapag nakasakay ka sa MRT patungong North.
Baka Bet Mo: Ate Vi, Aga, Nadine ‘bardagulan’ sa MMFF 2024 entry na ‘Uninvited’
View this post on Instagram
Si Jefre rin ang nag design ng Bayani sculpture na makikita sa DoubleDragon sa Pasay The Victor sa Bridgetown, Pasig City.
Nang i-unveil ang nasabing tropeo ay lumapit ang ilang film producers para makita ng malapitan at talagang napahanga sila sa ganda, kaya biruan ng media ay sino kaya ang makakapag-uwi ng marami nito.
Anyway, ang huling limang entries na bubuo sa sampung pelikulang mapapanood sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) ay ginanap sa The Podium Hall of SM’s Podium Mall in Ortigas Center, Mandaluyong City nitong Martes, Oktubre 22.
Ang mga nasabing pelikula ay ang mga sumusunod:
My Future You nina Francine Diaz at Seth Fedelin mula sa Regal Entertainment at idinirek ni Crisanto Aquino.
Ang Uninvited nina Vilma Santos, Aga Muhlach, Nadine Lustre, Mylene Dizon, Elijah Canlas handog ng Mentorque Productions at Project8Projects mula sa direksyon ni Dan Villegas.
Next ang Topakk nina Arjo Atayde, Kokoy de Santos at Julia Montes produced ng Nathan Studios directed by Richard Sommes.
Sinundan ng Hold Me Close nina Carlo Aquino at Julia Barretto ng Viva Films, starring at si Jason Paul Laxamana ang director.
Panghuli ang Espantaho nina Judy Ann Santos, Kian Co, Lorna Tolentino at Janice de Belen with Chanda Romero and JC Santos handog ng Quantum Films mula sa direksyon ng The Master na si Chito S. Roño.
Ayon kay Chairman Artes ay nakataanggap ang MMFF Execom ng 70 scripts at 31 finished films para sa 50th Metro Manila Film Festival patunay na maraming gustong makilahok kahit na mahirap ang pinagdadaanan ngayon ng movie industry.
Nabanggit din na magaganda ang mga naiwan at para hindi ito masayang ay gagawan nila ng paraan na muling magkaroon ng ikalawang Summer Film Festival sa 2025 para mapanood ito ng publiko.
Narito naman ang mga naunang scripts na napili.
Ang Strange Frequencies: Haunted Hospital mula sa Reality MM Studios na pagbibidahan nina Jane de Leon, Enrique Gil, Alexa Miro at MJ Lastimosa idinirek ni Kerwin Go.
The Kingdom handog ng APT Entertainment, M-Zet TV Productions at MQuest Ventures starring Vic Sotto at Piolo Pascual mula sa direksyon ni Michael Tuviera.
Sunod ang Himala, Isang Musikal ng Kapitol Films and UxS, sina Aicelle Santos, David Ezra, Victor Robinson, at Bituin Escalante ang bida directed by Jose Lorenzo Diokno.
Next ang Green Bones mula sa GMA Pictures na sina Sofia Pablo at Dennis Trillo ang bida directed by Zig Dulay.
At ang And the Breadwinner ng Star Cinema at The IdeaFirst Company starring Vice Ganda, Gina Pareño, Eugene Domingo, Maris Racal, Jhong Hilario, at Kokoy de Santos idinirek ni Jun Robles Lana.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.