I-text kay Madam Sophia | Bandera

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia |November 13,2013
facebook
share this

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia - November 13, 2013 - 03:00 AM

Mula kay Josh ng Iligan City. July 27, 1985 ang birthday ko. Kailan kaya ako magkakaroon ng trabaho, tapos po ako ng B.S. Education.
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong July 27, 1985, sa susunod na taong 2013 sa edad mong 28 pataas magkakaroon ka na ng regular na trabaho sa isang kumpanyang may kaugnayan sa pagawaan ng mga lata, bakal at iba pang matitigas na mga bagay.

Mula kay Ms. Libra ng …5143. September 29, 1990 ang birthday ko. May boyfriend po ako pero ng malaman nyang buntis ako iniwan nya akong bigla. Babalik pa kaya siya at pananagutan ang baby na pinagbubuntis ko sa ngayon?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa zodiac sign mong Libra at birth date na 29, hindi na babalik ang tumakas mong boyfriend maliban na lang kung siya ay isinilang sa zodiac sign na Aquarius, sapagkat ayon sa iyong kapalaran isang lalaking Aquarius ang iyong makakatuluyan na may birth date na 7, 16 o kaya’y 25 na magaganap sa taon 2015 sa edad mong 25 pataas.

Mula kay Mercy San Gabriel ng Iligan City. August 16, 1979 ang birthday ko at January 5, 1976 naman ang mister ko. Five years na kaming nagsasawa wala pa din kaming baby, kailan kaya kami magkaka-anak?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa zodiac sign mong Leo at Capricorn naman ang mister mo, sa birth date mong 16 at 5 naman ang mister mo sa taong 2014 sa edad mong 35 pataas, mabubuntis ka, upang paglipas ng siyam na buwan, isang malusog at cute na babaing sanggol ang magiging bunga ng inyong pagmamahalan.

Mula kay Freddie ng Cagayan de Oro City. Torpe po ako at mahiyain, kahit kaya torpe, magkaka-girlfriend parin kaya ako. September 2, 1989 ang birthday ko at kung magkaka-GF din ako kailan po kaya?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong September 2, 1989, sa taong hanggang 2014 hanggang 2015 sa edad mong 25 pataas magkaka-girlfriend ka na hatid ng isang babaing isinilang sa zodiac sign na Taurus.

Mula kay Rowena ng …7901. Single mom po ako. Makakatagpo pa kaya ako ng isang tapat at mabuting lalaki na tatangapin ang aking nakaraan at ituturing na tunay nag anak ang kaisa-isang anak kong babae. Februrya 14, 1988 ang birthday ko.
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa zodiac sign mong Aquarius sa birth date na 14, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra ang tatanggap sa iyong nakaraan at magiging parang tunay na ama ng iyong kaisa-isang, ang pangyayaring nabanggit ay nakatakdang maganap sa taong 2015 sa edad mong 27 pataas kung saan, ang nasabing lalaki ang siya mo na ring makakasama habang buhay na may birth date na 9, 18 o kay’y 27, sa pagbuo ng isang masaya at panghabambuhay na pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending