Vice Ganda ibinida ang sorpresa ni Angel Locsin, binigyan ng bagong ‘baby’

Vice Ganda ibinida ang sorpresa ni Angel Locsin, binigyan ng bagong 'baby'

Vice Ganda, Angel Locsin

KAHIT walang paramdam sa showbiz at social media, patuloy namang nararamdaman ang pagmamahal ni Angel Locsin pagdating sa kanyang celebrity friends.

Tulad na lamang kay Vice Ganda na namatayan ng aso noong Agosto, pero ngayon ay masayang-masaya dahil binigyan siya ni Angel at ng mister nito na si Neil Arce ng bagong fur baby!

Ang nakakakilig na sorpresa ng couple ay ibinalita mismo ni Vice sa latest YouTube vlog niya.

“Meron akong bagong dog. Chai poodle siya, regalo siya sa akin ni Neil tsaka ni Angel Locsin,” masayang chika ng TV host-comedian.

“Kasi when Chip In passed on, sobra kong lungkot,” wika niya na tinutukoy ang yumaong six-year-old dog.

Baka Bet Mo: Boobay pinangarap ding maabot ang tagumpay nina Vice, Ai Ai at Uge

Patuloy niya, “Si Chip In ay regalo sa akin ng mga kaibigan ko ‘nung birthday ko. Isa doon si Angel Locsin.”

“Nung nalaman niyang nawala na si Chip In, alam niyang malungkot na malungkot ako. Kapapanganak lang ‘nung aso niya so ‘yung isa binigay niya sa akin,” kwento ni Vice.

Biglang nabanggit ni Vice ang sorpresang ito ni Angel habang nag-a-unboxing siya ng ilang character toys.

Ang isa kasi sa mga laruan ay kapareho ng balahibo ng bago niyang aso na bigay ng aktres kaya naalala na rin niya itong ikwento sa vlog.

Ayon pa kay Vice, naiisip niyang ipangalan ang bagong aso sa nasabing laruan na si “Zimomo.”

Kung matatandaan, taong 2022 pa nang magpahinga mula sa entertainment industry si Angel.

Ang huling post din niya sa social media ay noon pang August 2022 na kung saan ay nag-attend siya ng baby shower ng kanyang kaibigang artista na si Angel Panganiban.

Read more...