Vice sumakay sa car na nagkakahalaga ng P17-M, bagong bili?

Vice sumakay sa sasakyan na nagkakahalaga ng P17-M, bagong bili?

Ervin Santiago - October 07, 2024 - 12:15 AM

Vice sumakay sa sasakyan na nagkakahalaga ng P17-M, bagong bili?

Vice Ganda

NAPA-WOW at napa-sana all na lang ang madlang pipol nang makita si Vice Ganda sakay ng isang luxury car na milyun-milyon ang halaga.

Viral na ngayon ang isang short video kung saan makikitang sumasakay ang Phenomenal Box-office Star sa bagung-bagong Tesla Cybertruck.

Base sa naturang video, makikita si Vice with her pink OOTD na naghihintay sa kanyang ride habang may kachikahan  hanggang sa sumakay na nga siya sa mamahaling sasakyan.

Pagkasakay sa naturang car, binaba ni Vice ang kanyang window at nag-dialogue sa taong naroon na kanyang kausap,  “May problema ba tayo? Di ba isa rin namang Hollywood star? Charot!”

Maririnig din sa video ang mga taong sumisigaw ng “grabe!” at “sosyal!”

Baka Bet Mo: Balak na nga bang layasan nina Jennylyn at Dennis ang Pinas at sa Amerika na manirahan?

Nang i-check namin ang mga social media accounts ni Vice ay wala pang ipino-post ang TV host-comedian tungkol sa naturang sasakyan kaya hindi pa sure kung pag-aari nga niya ang car.

Pero base sa mga nabasa naming comments sa socmed, mukhang binili nga ng TV host ang naturang sasakyan at dagdag sa koleksyon niya ng luxury cars.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Ayon sa Wikepedia, ang “Tesla Cybertruck is a battery electric pickup truck built by Tesla, Inc. since 2023. Introduced as a concept vehicle in November 2019, it has a body design reminiscent of low-polygon modelling, consisting of flat stainless steel sheet panels.”

Base naman sa nakasaad sa caranddriver.com, “The price of the 2024 Tesla Cybertruck starts at $81,895 and goes up to $101,985 depending on the trim and options.

“Until the rear-wheel-drive Cybertruck arrives for the next model year, with a starting price of $62,985, the lineup only includes the Dual Motor and Beast models.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngunit ayon sa isa pang site, maaari rin itong ibenta ng mga car dealer mula P17.5 million hanggang P18.5 million dito sa Pilipinas. Limited din daw ang units na mabibili sa bansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending