Julie Anne basag dahil sa OOTD, pagkanta ng Dancing Queen sa simbahan

Julie Anne basag dahil sa OOTD, pagkanta ng Dancing Queen sa simbahan

Julie Anne San Jose

HATI ang reaksyon ng netizens sa viral video ni Julie Anne San Jose kung saan makikita ang kanyang pagpe-perform sa loob ng simbahan.

Binabatikos kasi ngayon ang Kapuso actress-singer matapos kumalat ang isang video sa social media na kuha habang kinakanta ang “Dancing Queen” ng ABBA sa harapan ng altar ng isang simbahan.

Nangyari raw ito noong October 6, kung saan isa si Julie Anne sa mga nag-perform para sa “benefit concert” na ginanap sa Nuestra Señora Del Pilar Shrine sa Mamburao, Occidental Mindoro.

Bukod dito, may isa pang video ang kumalat sa TikTok kung saan lumapit naman si Julie Anne sa audience habang kinakanta ang “The Edge of the Glory” ni Lady Gaga.

Baka Bet Mo: Scottish vlogger binarag ang mga Pinoy na ginagawang opisina ang isang sikat na coffee shop

Sa TikTok account naman ng GMA Sparkle ay ibinandera rin ang “incredible vocals” daw ng actress-singer matapos itong mag-perform sa “Heavenly Harmony in Concert (Harana para kay Maria).”

Narito ang ilang comments ng netizens na nakapanood sa video ni Julie Anne kung saan marami nga ang pumuna sa kanta at damit ng dalaga.


“SERIOUSLY? AT THE ALTAR? DO U EVEN KNOW NA BAWAL KUMANTA, SUMAYAW/GUMAWA NG WORLDLY SONGS/DANCE SA HARAP NG ALTAR?”

“Sa Altar talaga??????”

“Harana para kay maria pero bat ganyan ang kanta?”

“Ginawang ASAP ‘yung simbahan.”

“Kailan pa naging concert hall ang simbahan? Sad di na nirespeto ang simbahan.”

“Sinong nagpasimuno Ng ganyan concert? Hinayaan nyong kinanta ang mga Kantang Hindi angkop. Sacrilege! Dapat may agreement Kayong mga organizer SA artist kung ano Lang kanta na angkop at ang pwedeng kantahin lalo na’t NASA loob Yun Ng Simbahan.”

“Sino nag organize ng event ‘nyo? Kung may ganon na performances dapat hindi sa loob ng parish, saka ang labo ng description, concert ba talaga o harana? O pinagisa nyo na lang?”

“Tapos ang naka backless and sexy ng suot and nasa altar nag perform wow ha!”

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang official statement si Julie Anne o ang GMA Sparkle hinggil dito. Bukas ang BANDERA sa kanilang magiging paliwanag.

Read more...