Nikko Natividad, Cielo Eusebio boy uli ang 2nd baby, inakalang girlalu

Nikko Natividad, Cielo Eusebio boy uli ang 2nd baby, inakalang girlalu

Nikko Natividad, Cielo Eusebio at Aiden

BABY boy uli ang magiging anak ng actor-dancer na si Nikko Natividad at ng kanyang asawang si Cielo Eusebio.

Ibinandera nina Nikko at Cielo ang tungkol sa gender ng kanilang second baby sa pamamagitan ng official  announcement sa kanilang respective social media account.

Ibinahagi ng mag-asawa sa publiko ang ilang litrato at video na kuha sa naganap na gender reveal party para sa kanilang magiging anak.

Sa caption ng post, sinabi ng mag-asawa na inakala nilang babae na ang ipinagbubuntis ni Cielo pero mali ang kanilang hula.

Baka Bet Mo: Nikko excited na sa Baby no. 2: ‘Biggest blessing for 2024!’

“Say hello to the newest member of our family – it’s a boy AGAIN! We thought we were having a girl, but the Lord surprised us with a beautiful baby boy!

“Excited to welcome you soon! Thank you to everyone who took the time to celebrate with us and to those who helped make our little party a success!” ang nakasulat pa sa kanilang socmed post.


Matatandaang ibinalita nina Nikko at Cielo na magkakaroon na sila ng Baby No. 2. Tuwang-tuwa ang mag-asawa dahil madadagdagan na ang kanilang pamilya.

“Even miracles take a little time,” sabi nila sa kanilang IG post na may hashtag na  “baby on the way” at “biggest blessing for 2024.”

“After 4 years of trying, we are feeling grateful and blessed for this miracle. We can’t wait to meet you, little one!” sabi pa nina Nikko sa kanilang post.

November, 2021 nang ikasal sina Nikko at Cielo at biniyayaan ng isang anak na pinangalanan nilang Aiden. Very soon ay magiging kuya na rin ang bagets.

Read more...