Regine: Ginagawa na namin ni Ogie ang aming second baby! | Bandera

Regine: Ginagawa na namin ni Ogie ang aming second baby!

Ervin Santiago - January 15, 2014 - 03:00 AM


“HINDI ako buntis!” Ito ang paglilinaw ni Regine Velasquez nang usisain ng entertainment press kung totoong preggy na naman siya sa ikalawang baby sana nila ni Ogie Alcasid.

Chika ng Asia’s Songbird sa presscon ng Valentine show nila ni Martin Nievera na “Voices Of Love” na gaganapin sa SM MOA Arena sa Feb. 14, tina-try pa lang nilang gawin ang kanilang ikalawang anak.

Pero aniya, hindi naman daw nila pinipilit ni Ogie. Ayon pa kay Regine, alam naman daw nila na medyo delikado na siyang manganak ngayon, pero kung bibigyan pa raw sila ng Diyos ng second baby, welcome na welcome raw ito sa kanilang mag-asawa.

Kahit daw mahirap, kakayanin niya. At kung hindi naman sila papalarin na makabuo ng isa pang anak, happy na raw sila kay Baby Nate, at least daw lahat ng atensiyon at panahon nila ay maibubuhos nila nang bonggang-bongga sa bagets.

Samantala, napansin ng press na sobrang daldal at game na game si Martin sa pagkukuwento tungkol sa kanila ni Regine, lalo na nu’ng magtambal sila sa isang major concert noong 2003. Ito nga ‘yung “Voices (Martin & Regine:

The 2003 World Concert Tour)” na ginanap noon sa Araneta Coliseum na umabot pa sa Amerika at Canada. Sey ni Martin, nu’ng panahon na ‘yun nasabi sa kanya ng Songbird na parang gusto na nitong mag-quit sa showbiz, lalo na sa pagkanta dahil pagod na pagod na raw ito.

“Regine, who is my favorite singer in the whole world, is tired. She wanted to stop this (pagkanta). ‘Please, don’t!’ sabi ko,” ani Martin.

“She was telling me, ‘I don’t wanna do this anymore. I don’t want to sing, I’m so tired…’ Ganu’n,” kuwento pa ni Martin.
Hirit pa ng Concert King, ito rin daw ‘yung time na nagkakaroon sila ng problema ni Pops Fernandez kaya pinayuhan naman daw siya ng Songbird, “She also told me not to give up,” chika ni Martin.

“So, here we are, and she’s the one with a happy love life. Thank you!” Na ikinahagalpak naman ni Regine. Na-touch din ang misis ni Ogie sa mga papuri ni Martin sa kanya ngayong meron na siyang sariling pamilya, “The person that she has become is a perfect role model for, I think, every artist who has, or wants to become a big, big star in this industry.”

Sagot naman ni Regine, “Naiyak naman ako du’n! Parang ni-rehearse mo yun, ha! Wala tuloy akong maisagot! Pwede ba, ika-cash ko na lang!?” biro ng Songbird.

In fairness, 10 years ago pa nang mapanood namin ang “Voices” concert nina Martin at Regine, at kahit na nagsama uli sila sa “Foursome” together with Ogie Alcasid and Pops Fernandez, iba pa rin kapag silang dalawa lang ang nasa stage. Kaya promise, watch kami ng “Voices Of Love” sa Feb. 14, Valentine’s day.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending