Scottish vlogger binarag ang mga Pinoy na ginagawang opisina ang isang sikat na coffee shop
HATI ang reaksyon ng mga Filipino sa viral na video ng isang Scottish vlogger tungkol sa mga hugot niya sa mga taong ilang oras tumatambay sa mga coffee shop.
Dismayado ang kilalang content creator na si Dale Philip sa mga taong ginagawang opisina ang mga coffee shop sa Pilipinas kaya palaging punuan ang mga ito.
Kaya naman hindi na nakakapasok at nakakaupo ang iba pang gustong magkape sa mga naturang coffee shop na nais lamang mag-stay nang ilang sandali.
Nagtataka raw si Dale kung bakit kailangang gawing opisina o “workplace” ng ilang Pinoy customers ang mga coffee shop na ibang-iba raw sa ibang bansa.
Ang nangyayari raw kasi sa ibang customers na gustong kumain at uminom ng kape ay hindi na makaupo dahil napakaraming naka-laptop sa mga lamesa, at talagang nagtatagal nang ilang oras kahit ubos na ang kanilang mga order.
“Look at these guys with their laptops. Just sitting, using it as their personal office. I would hate that.
“Somebody just doing their homework right there.
“There’s a big queue… I was thinking about getting a Matcha Frappuccino there, but there was a big queue…
“Yeah I would hate to have a business where people just come and use it as their personal office,” ang hugot ng foreigner na vlogger.
Suggestion pa niya, bakit daw hindi na lang sa kanilang mga bahay, opisina o condo magtrabaho o mag-laptop ang mga taong ito.
Narito naman ang ilang comments ng mga netizen sa reklamo ni Dale.
“The audacity of white people to make a living off of Filipinos while simultaneously criticizing our own culture and social norms. Didn’t even bother blurring their faces. Nakakainit ng dugo.”
“The management is letting them so I think there’s no issue with that.”
“Eh para saan nga ba ang mga coffee shop?”
“Well wala kang pakialam dahil iyan ang coffee shop culture dito sa Pinas. Saka okay lang naman sa coffee shop owners eh. As long as bumibili at may pambili naman, why bother?”
“Omg louder please, He has a point. Only in the philippines. Study or work overstay at coffee shop HAHAHA. Calling all coffee shops esp. please address your customers on how much time they should spend inside for free wifi. 30min. Until 1hr. is enough.”
“Wahahaha, ‘yong iba kasi overstaying, isa lang binili pero halos maghapon na kung mag-stay. Nakikigamit ng Wi-Fi at makikisaksak pa.”
“Dapat manggaling sa management ng coffee shop ang tamang sistema sa pagtanggap ng customers. Dapat maliwanag ang rules and regulations.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.