Neri humirit kay Chito: Dad, 3 na si Cash, pwedeng-pwede nang sundan!
NAG-CELEBRATE na ng kanyang 3rd birthday ang anak nina Chito Miranda at Neri Miranda na si Cash nitong nagdaang October 8.
Binati ni Neri na tinaguriang wais na misis si Cash sa pamamagitan ng kanyang Instagram account kung saan inilarawan niya ang anak bilang isa sa mga biggest blessing na natanggap nila ni Chito.
Ibinahagi ng ni Neri sa IG ang ilang photos ni Cash at nilagyan ng caption na, “Happy birthday, Cashypie! We are blessed and grateful to have you in our lives.”
Baka Bet Mo: Geraldine Roman nagbabala sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community: Umayos tayo!
Dagdag na caption ng wifey ni Chito sa kanyang post, “Every day with you is an adventure full of laughter, love, and joy. You’re Mommy’s little ball of happiness, literal na bola ng kakyutan hehe.”
View this post on Instagram
“Mahal na mahal ka namin, anak! Mahal na mahal ka ni Mommy!” ang bahagi pa ng greeting ni Neri sa anak.
But wait, there’s more! Sa huling bahagi ng post ni Neri ay may parinig naman ang aktres at matagumpay na negosyante sa kanyang mister na si Chito.
Hirit ni Neri sa bokalista ng Parokya ni Edgar, “Dad, three years old na si Cash, pwedeng-pwede nang sundan.”
* * *
Matapang na hinarap ng bagong Kapamilya artist na si Geraldine Jennings ang pagsubok ng pag-ibig sa kanyang debut single na “If I Will Ever Love Again.”
Ang awitin ay mula sa komposisyon ng OPM icon na si Ogie Alcasid na tungkol sa kalungkutan na dala ng pagtatapos ng isang relasyon.
Ikinuwento ni Geraldine na excited siyang maging bahagi ng Star Music at kung paano niya napili ang awitin bilang kanyang debut single.
“It’s about loving someone and the feeling of heartbreak which I’m sure a lot of people have experienced. But I wanted to add a sense of empowerment towards the end of the song that you will be able to love again,” sey ni Geraldine.
“I’m very grateful and excited to be part of Star Music. It is a very reputable company, so to be able to be part of it for my first ever single is a dream come true,” dagdag pa niya.
Inilunsad na rin ni Geraldine ang music video nito noong Set. 20 kung saan nakasama niya ang Filipino-German model na si Kirk Bondad.
Simula sa kanyang pagkabata, mahilig si Geraldine manood ng live performances ng iba’t ibang music artists. Dahil sa kanyang hilig sa musika, sumabak din siya sa musical theater singing classes.
“As a child, I loved watching performances, concerts, and films on television. From then on, I knew I wanted to also be performing on stage in front of people,” aniya.
Ipinamalas ng baguhang singer-actress ang kanyang talento sa pagsali sa “Teenstar UK” kung saan isa siya pinakabatang finalist ng British singing competition.
Naging bahagi rin siya ng Open Mic 2020 competition na naganap sa O2 Arena sa London at naiuwi ang parangal na future music development award. Ilan sa itinuturing niyang musical influences ay sina Sabrina Carpenter, Dua Lipa, at Katy Perry.
Napapakinggan na ang remake ni Geraldine na “If I Will Ever Love Again” sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.