Ina ni Kathryn na si Mommy Min botong-boto kay Alden, may resibo

Ina ni Kathryn botong-boto kay Alden para sa anak, naglabas ng resibo

Ervin Santiago - October 08, 2024 - 01:00 AM

Ina ni Kathryn botong-boto kay Alden para sa anak, naglabas ng resibo

Alden Richards, Kathryn Bernardo at QQ

“MAY nanalo na!” Iyan ang nagkakaisang komento ng mga fans at netizens patungkol sa rumored couple na sina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Kilig-kiligan ang mga fans nina Kathryn at Alden matapos ibandera ng nanay ng Kapamilya actress na si Min Bernardo ang mga bonding moments nila kamakailan.

Nag-share si Mommy Min ng short video sa kanyang Instagram page na kuha sa unang mall show nina Kath at Alden para sa reunion movie nilang “Hello, Love, Again”, ang part 2 ng box-office hit nilang “Hello, Love, Goodbye” noong 2019.

Baka Bet Mo: Daniel Padilla, Mommy Min ‘spotted’ na nagyakapan sa backstage, fans natuwa

Ang caption ni Mommy Min sa kanyang post ay, “#HelloLoveAgain …thanks tita Kath and tito Tisoy for QQ’s first mallshow experience…. ‘til next!”

Isa sa makikitang cute na eksena sa video ni Momny Min ay ang pagkarga ni Alden sa pamangkin ni Kathryn na si QQ. Obviously, gustung-gusto ni QQ ang bonding moments nila ng kanyang Tito Alden.

Sa isang bahagi ng video, makikitang magkakasama na sina Mommy Min, Alden, QQ, at ang isa pang pamangkin ni Kathryn na si Lhexine.

Sa bandang huli ng IG post ng nanay ni Kath ay ipinakita naman ang performance ng KathDen sa stage ng mall show nila na ginanap sa Nuvali last Saturday, October 5.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Min Bernardo (@bernardomin)


Base sa comments section ng KathDen fans, feeling nila idinaan lamang ni Mommy Min sa video ang kanyang saloobin tungkol sa tunay na relasyon ngayon nina Kathryn at Alden.

Naniniwala sila na botong-boto nga si Mommy Min kay Alden para sa kanyang anak. At in fairness, close na close na rin ang Asia’s Multimedia Star sa pamilya ni Kath, lalo na sa mga pamangkin nito.

Matagal nang napapabalita na nanliligaw nga si Alden kay Kathryn, kasabay ito ng chika noon ng panunuyo rin umano ng dalawa pang aktor pero hindi na itinuloy pa dahil feeling nila ay nanalo raw na si Alden sa puso ni Kath.

Nabalita noon na pumoporma rin daw sina Jericho Rosales at Donny Pangilinan kay Kath pero walang kumpirmasyon o pagdedenay na ibinigay ang mga taong involved sa issue. Sa ngayon happy na si Echo sa bago niyang dyowang si Janine Gutierrez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hanggang ngayon naman ay hindi pa rin nagsasalita sina Alden at Kathryn kung ano na ba talaga ang estado ng kanilang relasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending