PARA sa mga ka-BANDERA nating kalalakihan, matanong ko lang – may balak ba kayong magpalaki o magpadagdag ng size ng inyong pagkalalaki?Kung “yes” ang inyong answer, naku, pag-isipan n’yo munang mabuti ang inyong magiging desisyon dahil baka sa halip na ma-enjoy n’yo ang pagiging “Totoy Mola” ay baka pagsisihan n’yo lamang ito sa huli.E, kasi nga, baka isa kayo sa mabiktima ng mga nagpapakilalang surgeon na eksperto raw sa pagpapalaki ng ari ng lalaki o ang tinatawag na penis enlargement pero peke pala at walang lisensiya.Baka Bet Mo: Ellen super OK na matapos ipatanggal ang ‘fake boobs’: What’s left of my tittles can now jiggle-jiggle, wiggle-wiggle
Tulad na lang ng nangyari sa Thailand, kung saan isang lalaking nagpe-perform ng penis enlargement procedure ang inaresto ng mga otoridad dahil wala pala itong lisensya.
Base sa report ng Bangkok Post, nahuli ang suspek na nakilalang si Kittikorn Songsri, residente ng Samut Sakhon City, sa isang townhouse sa Om Noi, Krathum Baen district.
Dito nabatid na ilegal na nagsasagawa si Songsri ng silicone injections at pearl implants sa kanyang mga kliyente. Nasa 20 years na raw itong nagsasagawa ng penis enlargement procedure kahit wala namang medical experience at lisensiya.
Nangyari ang pag-aresto sa suspek matapos siyang ireklamo ng kanyang customer na nagkaroon umano ng matinding impeksyon matapos sumailalim sa surgery.
Ayon sa lalaking customer ang ginawa sa kanya ng suspek ay pearl implant surgery, silicone augmentation at filler injections para sa pagpapalaki ng ari.
Baka Bet Mo: Ai Ai pinag-tumbling ng lasing na customer sa halagang P1K
Kasunod nito, nagkaroon nga ng severe infection sa kanyang private part matapos ang naganap na surgery. Bukod dito, hindi na rin daw nagkakaroon ng erection ang biktima.
Nagpatingin na rin daw sa mga tunay na doktor ang lalaki pero hindi pa rin nawawala ang nararamdamang sakit sa kanyang private part.
Sa inisyal na imbestigasyon, inamin ni Kittikorn na hindi siya talaga doktor at Mathayom Suksa 3 o Grade 9 lang ang natapos niya.
Rebelasyon pa ng suspek, natuto siyang maglagay ng implants sa ari ng lalaki noong 14 years old pa lamang siya sa pamamagitan ng pagre-research.
Ayon sa mga otoridad na nagsagawa ng raid sa townhouse na ginagamit ng suspek sa kanyang ilegal na operasyon, hindi raw pasado sa umiiral na health standards sa Thailand ang mga equipment ni Kittikorn sa kanyang clinic.
Ayon pa sa suspek, sa pagsasagawa niya ng implant and enlargement procedure, naniningil siya ng 5,000 baht o mahigit P8,500 hanggang 20,000 baht o mahigit P34,000 sa bawat customer.