Sam Verzosa ibinenta 10 luxury car para sa pagpapatayo ng dialysis center

Sam Verzosa ibinenta 10 luxury car para sa pagpapatayo ng dialysis center

Sam Verzosa

NAKAKALOKA ang pasabog ng TV host at public servant na si Sam Verzosa nang humarap siya sa entertainment media nitong nagdaang Linggo, September 29.

Ibinenta na pala niya ang koleksyon ng kanyang mga luxury cars sa mga mayayamang kaibigan at ilang kilalang personalidad.

At ang lahat ng kikitain niya sa proyektong ito ay para sa pagpapatayo ng Dialysis and Diagnostic Center sa Sampaloc, Manila – kung saan siya lumaki at nagsimulang mangarap sa buhay.

Luxury-exotic-supercars ang tawag ng Tutok To Win partylist representative sa mga mamahalin niyang sasakyan na kapag daw nabenta lahat ay baka umabot sa mahigit P200 million ang kanyang makokolekta.

Baka Bet Mo: Engagement nina Rhian Ramos at Sam Verzosa fake news; ‘Dear SV’ tuloy ang pagtulong, pagpapaiyak sa mga Pinoy

Kabilang sa mga naibenta (sa pamamagitan ng auction) ni SV ay ang mga pag-aaring Rolls Royce, Lamborghini SV, Bentley, Ferrari Spider, BMW, Audi, McLaren, Maserati, Mercedes Benz at Ferrari M12.

Ayon kay SV na kumpirmado nang tatakbo sa pagka-mayor ng Maynila sa 2025, ang naibenta niyang Bentley (nagkakahalaga ng P20 million) ay ang dream car ng yumao niyang tatay.


“Yun (Bentley) ang pinakasentimental car diyan. Inisip ko kung gusto ko to keep or benta kasi wala na father ko. It was one of his dream cars.

“‘Yun yung ni-request niya sa akin na sana bilhin ko. Pero noong na-order ko na, he passed away before it arrived,” ang pagbabahagi ni Sam sa panayam ng ilang members ng showbiz press last Sunday, September 29.

“Inisip ko kung keep ko for sentimental purposes or ibebenta ko. Pero mas matutuwa ang tatay ko. Siya ang nagturo sa akin na magbigay. Kahit walang-wala kami, last money, tumutulong siya.

“Kaya I think kung alam niya mapunta to sa dialysis patients, I think maging proud siya sa taas kasi matutuwa siya. Iniisip ko mas marami makikinabang kaysa naka-park sa garahe,” pahayag pa ni SV.

Ipinaliwanag naman niya kung bakit ang pagpapatayo ng Dialysis and Diagnostic Center ang kanyang napili na paggamitan ng makukuha niyang P200 million mula sa auction ng kanyang mga sasakyan.

“Pinili ko ito kasi tuwing umiikot ako kahit ‘di Maynila, laging bulong sa akin ‘yan. Pang-check-up ospital, dialysis. This came from people asking help.


“Everyday from social media ko, yan lang ang hinihingi. Paano sila tutulong sa pamilya or may sakit? Naaawa ako kaya sabi ko kailangan may gawin tayo,” aniya pa.

“And itong Sampaloc Dialysis and Diagnostics Center, yun nga, yung tatay ko before he died, nag-dialysis din talaga siya. Ito po dagdag lang. Meron na tayong mga SV mobile complete with laboratory equipments, X-Ray, ECG, ultrasound.

“Meron tayong SV mobile botica na umiikot everyday para magbigay ng gamot sa mga kababayan natin.

“Ito po ay dagdag lang para matayuan natin ng dialysis center ang iba’t ibang mga lugar sa Maynila, unang-una ang Sampaloc, kung saan ako lumaki, para sa libreng pagpapagamot ng mga kababayan ko sa Maynila,” sey pa ng partner ni Rhian Ramos.

Nakaplano na rin daw ang magpatayo nila ng dialysis center sa Tondo, Ermita, Malate at iba pang lugar sa Maynila.

Read more...