USAP-USAPAN ngayon sa apat na sulok ng kashowbizan na may mga grupong humihikayat sa award-winning actress na si Sylvia Sanchez na tumakbo rin sa 2025 elections.
Kumpirmado na ang muling pagtakbo ng kanyang anak na si Arjo Atayde bilang kongresista sa 1st District ng Quezon City sa pangalawa niyang termino.
Nauna nang pinabulaanan ng husband ni Maine Mendoza ang tsismis na si Sylvia raw ang tatakbong kongresista next year dahil kakandidato naman daw siyang mayor ng Q.C..
Pero ang chika nga, patuloy daw na hinihikayat ng ilang political groups si Ibyang na sumabak na rin sa politika para mas marami pa silang matulungan.
Bukod dito, may mga nanliligaw din daw sa manugang ni Sylvia na si Zanjoe Marudo (asawa ng anak niyang si Ria Atayde) na tumakbo bilang representative sa isang partlylist.
Baka Bet Mo: Vice inalok na tumakbo sa Eleksyon 2022: Naloka ako! Ipapahamak ko ang Pilipinas!?
Isa ito sa mga napag-usapan sa latest episode ng “Showbiz Updates” YouTube channel ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz.
“Si Sylvia Sanchez ay hinihimok na pumasok naman bilang konsehal sa 1st District ng Quezon City habang ang kanyang anak ay reeleksiyonista bilang congressman naman sa District 1 din ng Quezon City, si Cong. Arjo Atayde,” simulang pahayag ni Mama Ogs.
“Dalawa na sila (ni Arjo) na papasok sa politics kung sakaling papasok si Ibyang bilang konsehal,” aniya pa.
Hirit pa ni Mama Ogs, “E, si Zanjoe ay manugang na ni Sylvia Sanchez at bayaw ni Arjo Atayde. So, posibleng pinag-uusapan talaga nila ‘yan. Or talagang balak talaga nilang pumasok sa politics.”
Matatandaang nauna nang tinalakay ni Ogie sa kanyang vlog ang tungkol sa pagtakbo umano ni Zanjoe bilang partylist representative sa darating na midterm elections.
Wala pang inilalabas na pahayag si Ibyang at si Zanjoe hinggil sa balitang ito. Nagpadala na rin kami ng mensahe kay Sylvia upang malinawan ang isyu.
Paglilinaw naman ni Arjo sa balita na ang tatakbo sa 2025 midterm elections ay ang kanyang inang si Sylvia dahil daw magko-concentrate na muna siya sa pag-aartista.
“It’s not true that my mom is running for the Congress sa (2025),” ang ipinagdiinan ng premyadong aktor at public servant.