Kris Aquino umuwi raw ng Pinas para tumakbo sa Eleksyon 2025?

Kris Aquino umuwi ng Pinas para tumakbo sa Eleksyon 2025?

Ervin Santiago - September 29, 2024 - 12:05 AM

Kris Aquino umuwi ng Pinas para tumakbo sa Eleksyon 2025?

Kris Aquino, Boy Abunda at Bimby Aquino Yap

ILANG araw nang nasa Pilipinas ang Queen of All Media na si Kris Aquino pero hindi pa rin sila nagkikita nang personal ng kaibigang si Boy Abunda.

Looking forward na nga raw ang King of Talk sa muli nilang paghaharap ng TV host-actress ngayong nakauwi na ito sa bansa.

Pero kahit hindi nagkikita nang personal ay palagi naman daw silang nag-uusap sa cellphone at nagkukumustahan tuloy lamang ang kanilang regular na komunikasyon.

Natanong si Tito Boy ng media tungkol kay Kris sa naganap na intimate presscon para sa latest episode ng kanyang “My Mother, My Story” featuring Pinoy pole vaulter EJ Obiena na mapapanood na ngayong hapon sa GMA.

Baka Bet Mo: Daniel Padilla, Andrea Brillantes palihim na nagkikita ayon sa chika kay Ogie Diaz, how true?

Posible kayang mag-guest si Kris sa programa niyang “My Mother, My Story” kasama ang bunsong anak nitong si Bimby?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


“Mag-uusap kami ni Kris one of these days. But we are in touch. I don’t want to impose my relationship with Bimby.

“A thin line separates doing a show and my relationship with Bimby because I am his guardian,” pahayag ni Tito Boy nang may mag-suggest na interbyuhin din sana niya ang mag-ina sa kanyang show.

“Meron na kaming pang-anim (na episode) and we’re doing Alden Richards. He lost his mother when he was 15 or 16. That’s interesting. How did it impact his story and his attitude toward his parents?

“Bimb would be lovely, but I am respectful of Kris’ condition. To me, the priority is health. Hanggang text lang kami nag-uusap. Pero magkikita kami,” paniniguro ni Tito Boy.

Paliwanag naman ng premyadong TV host kung bakit hindi pa sila nagkikita ni Kris at puro sa telepono lang sila nag-uusap, siya raw ang may kasalanan.

Marami pa raw kasi siyang ginagawa kaya hindi pa niya nabibisita nang personal si Kris ngunit hinahanapan na raw nila ng schedule and pagdalaw sa kanyang kaibigang may karamdaman.

Natanong din si Tito Boy tungkol sa kumalat na chika na kaya raw umuwi ang TV host-actress sa Pilipinas ay kakandidato umano ito sa Eleksyon 2025.

“I doubt. She needs to be healthy muna bago siya kumandidato,” sabi ni Tito Boy. Pero tatanungin din daw niya si Kris about this.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


Pero ayon sa King of Talk, baka raw ang bunsong anak ni Kris na si Bimby ang posibleng sumabak sa politics dahil natatandaan pa niya ang naging usapan nila ng binata.

Tanong daw ng TV host sa bagets, “‘Do I see you in politics Bimb?’ Ito yung tanong na, it didn’t shock the Boy. Parang sa pagkakatanda ko, his answer was, ‘why not’ or something. This is Aquino and Cojuangco name.

“Kris naman, kung healthy siya, I wouldn’t discount the possibility. I wouldn’t. She’s familiar with that world, she’s conversant, she’s a bright girl. Dasal ko lang sana gumaling.

“Politics kasi, is physically toxic. Yun lang yung…with her condition now, but if you ask me what is the condition now, I really don’t know yet until I see her.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya ang latag ko, kung malusog lang yan, kung healthy lang yan…but as friend, would I encourage her, that would be interesting,” pahayag pa ni Tito Boy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending