Kim sa natanggap na award sa Korea: 'I’m in absolute disbelief!'

Kim sa natanggap na pagkilala sa South Korea: ‘I’m in absolute disbelief!’

Pauline del Rosario - September 26, 2024 - 09:33 AM

Kim sa natanggap na pagkilala sa South Korea: 'I’m in absolute disbelief!'

PHOTO: Instagram/@chinitaprincess

TILA hindi pa rin nagsi-sync in kay Kim Chiu ang natanggap na latest achievement bilang isang aktres.

Kamakailan lang kasi, rumampa siya sa red carpet ng Seoul International Drama Awards 2024 upang personal na tanggapin ang parangal na “Outstanding Asian Star.”

Ang event ay ginanap mismo sa South Korea noong Miyerkules, September 25.

Sa Instagram, makikitang looking fresh at elegant ang Kapamilya actress suot ang peach-blush gown na disenyo ni Francis Libiran.

“I’m in absolute disbelief and beyond grateful to attend this kind of international award-giving body,” bungad sa caption ng Chinita Princess.

Baka Bet Mo: Kim Chiu, Jackie Gonzaga nag-iyakan dahil sa mga ex-dyowa

Patuloy niya, “It feels surreal, like a dream I haven’t quite woken up from.”

Kasunod niyan ang mensahe na, “I want to extend my deepest thanks to everyone who believed in me, supported me, and helped make this possible.”

This moment is something I will cherish forever,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

Sa comment section, maraming fans at fellow celebrities ang proud na proud kay Kim.

Kabilang na riyan ang kanyang on-screen partner na si Paulo Avelino, pati na rin sina Melai Cantiveros, Amy Castillo, Nikki Valdez, at marami pang iba.

Kung matatandaan, noong Hulyo lamang nang ibinandera ni Kim ang nasabing good news sa pamamagitan ng IG post.

Proud niyang ipinakita ang invitation letter mula sa award-giving body na sinasabing siya ang nagwagi sa nasabing kategorya.

Bukod sa kanya, ilan pa sa mga nagwagi sa kaparehong parangal ay sina Byeon Woo-seok at Kim Hye-yoon ng “Lovely Runner” ng South Korea, Siti Saleha mula Malaysia, Desmond Tan from Singapore, Ochi Rosdiana ng Indonesia and Win Metawin Opas-iamkajorn ng Thailand.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Recently lamang, nominado si Kim bilang “Best Female Lead in a TV Programme/Series” sa Content Asia Awards ng Taipei, Taiwan.

Ito ay dahil sa mahusay niyang pagganap sa drama series na “Linlang.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending