Di mag-aaral (2) | Bandera

Di mag-aaral (2)

Joseph Greenfield - November 12, 2013 - 03:00 AM

Sulat mula kay Denissee, ng Santo Nino, South Cotabato
Problema:
1.      Mahirap ang buhay dito sa bayan namin, lalo pa ngayon na sunud-sunod na ang bagyo at palaging baha sa maraming bahagi ng Mindanao.  Tinapat na ako ng mga magulang ko na kailangan ko nang huminto sa pag-aaral sa kolehiyo dahil hindi na nila kaya ang lumalaking gastos.
2. Meron kaming konting sinasaka kaya imbes na nakatunganga sa bahay ay sinabi sa akin ng aking mga magulang na tumulong muna sa bukid.  Katatapos ko lang ng first sem at hindi na mag-aaral sa second sem.  Pangarap kong maging nurse para ako makapag-abroad.  Makababalik ba ako sa kolehiyo?  Kailan?  Magiging ganap na nurse ba ako?
Umaasa,
Denissee, ng Santo Nino, South Cotabato
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing sa pamamagitan ng sarili mong kayod at pagsisikap makakatapos ka ng pag-aaral. Isang babaing isinilang sa zodiac sign na Taurus ang mag-aalok sa iyo ng trabaho.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing ang babaing magbibigay sa iyo ng trabaho ay isinilang sa petsang 5, 14, o kaya’y 23. Siya ang makatutulong sa iyo para maging working student ka sa susunod na semester.
Physiognomy:
Ang hugis ng iyong mukha na maliit at medyo chinita ay nagsasabing isang lalaking medyo payat na matangkad ang iyong magiging boyfriend, at ang boyfriend mong ito, bukod sa pagiging working student mo ay matutulungan ka rin sa aspetong financial.
Color Test:
Upang mangyari ang lahat ng pag-aanalisang inilahad na sa itaas, may tutulong sa iyo upang makatapos ka ng kolehiyo, lagi kang magsuot ng kulay berde at powder blue. Ang nasabing kulay ang magbibigay sa iyo ng dagdag pang suwerte at magagandang kapalaran.
Biorhythm Chart:
Ayon sa iyong Biorhythm Chart umangat ng husto ang graph ng Career at Pag-ibig sa taon 2017, kung saan sa nasabing panahon, makakatapos ka ng college at makalipas ang isang taon, makapag-aasawa ka ng isang professional. Sa nasabing pag-graduweyt sa college at pag-aasawa doon na rin magsisimulang umunlad ka at makabuo ng masaya at panghabambuhay na pamilya.
Huling payo at paalala:
Denissee, nakahanda na ang susuungin mong kapalaran, kung saan, magiging working student ka, makakatapos ng college sa kursong Accountancy hanggang sa tuluyang makapag-aasawa ng professional na lalaki hanggang sa  magkaroon ng maunlad at  maligayang pagpapamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending