Wendell Ramos nagsisi nga ba nang tumakbong hubo’t hubad sa pelikula?
PARA kay Wendell Ramos, ang pinakamalalang ginawa niya sa isang pelikula ay ang tumakbo ng hubo’t hubad sa isa niyang eksena.
Binalikan ng Kapuso actor ang pangyayaring ito sa guesting niya sa weekly talk show ng GMA 7 na “Sarap, Di Ba?” kung saan napag-usapan nga ang mga past projects niya sa showbiz.
Sumabak si Wendell sa hot seat segment ng “Sarap, ‘Di Ba?” last Saturday, September 21, at tinanong nga siya ng ilang intriguing questions.
Isa na nga riyan ang tanong na, “Ano ang pinakadaring at pinaka-sexy mong nagawa sa buong career mo? May mga naging regrets ka ba noong ginawa mo ‘yun?”
Baka Bet Mo: Wendell game na game pa ring magpa-sexy sa edad na 44; natupad na ang hiling na makatrabaho ang anak sa serye
Tugon ni Wendell na napapanood ngayon sa GMA Afternoon Prime series na “Shining Inheritance,” “When I did movie with Direk Gil Portes. I ran naked, naked talaga. Naging difficult sa akin ‘yun. ‘Yun ‘yung Bayang Magiliw.”
Ang “Bayang Magiliw” ay ipinalabas noong 2013.
Pagpapatuloy ni Wendell, “Ginawa ko ‘yun, explanation sa amin ni Gil Portes at that time, magiging not too daring kapag inilabas.
View this post on Instagram
“Pero while doing it, noong shoot na ‘yun, hindi comfortable. In a way parang nabigla rin ako doon,” pag-amin ng aktor.
Sundot na tanong ng host ng “Sarap, ‘Di Ba?”na si Carmina Villarroel, may regrets bang naramdaman si Wendell about what happened?
“Regrets in a way siguro dapat na-double check ko lang maigi,” sagot ng aktor.
Ang ipinagpapasalamat na lamang ni Wendell ay maayos at maganda ang kinalabasan ng naturang eksena at wala namang kabastus-bastos sa ginawa niya.
“God is good, Ms. Mina. Wala naman naging problema ‘yung naging outcome noong movie. Noong lumabas siya, talagang madilim lang,” sabi ni Wendell.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.