MUKHANG anytime soon ay magpo-propose na ang Kapuso actor at TV host na si Rayver Cruz sa kanyang girlfriend na si Julie Anne San Jose.
Para kasing umiiwas na ang binata kapag natatanong ng members ng entertainment media tungkol sa plano nilang pagpapakasal ni Julie Anne.
Feeling namin, may balak na siyang yayain ang Limitless Star kaya hangga’t maaari ay ayaw na niyang pag-usapan ang wedding plans in public para nga naman may element of surprise pa rin.
Sa presscon ng “The Clash 2024” kamakailan kung saan magbabalik ang celebrity couple bilang mga Clash Masters ay nausisa na naman sila tungkol sa kasal.
Baka Bet Mo: Rayver next year daw balak magkadyowa, si Julie Anne na nga ba ang susunod na GF?
Sagot ni Rayver, “Mahirap pag-usapan dito, kasi nakikiramdam na siya, e. Baka hindi na ma-surprise e.”
Ngunit may chikang baka next year mangyari ang proposal pero hindi pa ito susundan agad ng kasalan dahil marami pa raw commitments si Julie Anne sa 2025 na kailangan niyang tuparin.
Sey naman ng Kapuso actress-singer at TV host, “Hindi po kasi ako makasagot nu’ng tanong na yan, magdedepende po talaga yan, e.”
Pagsang-ayon ni Rayver sa kanyang GF, “Saka mahirap po magbigay ng definite date, kasi yun po ang laging tanong sa akin. Kung wedding naman po yung pag-uusapan, darating naman po talaga yan, in God’s perfect time.
“Basta alam ko sa puso ko na wala naman po akong ibang gustong pakasalan kundi si Julie Anne San Jose.
“So, yung definite date, kung kailan yung plano, mahirap sagutin yan kasi kailangan…I mean, internal muna nangyayari yan. But, definitely, you guys will know naman. Hindi naman para itago,” aniya pa.
Baka Bet Mo: Rayver pinayuhang kasuhan ang tumawag sa kanya ng ‘sabog’, ‘lasing’
Biniron naman ng press si Julie na parang wala na siyang pahinga sa pagtatrabaho dahil bukod sa pagiging host ng “The Clash” ay coach din siya sa nagsimula na ring “The Voice Kids Philippines” at meron pa siyang “All-Out Sundays.”
“Nag-iipon po ako. Nag-iipon po kami. Sobrang grateful ako sa mga opportunity kasi binigyan ako ng ganitong klaseng shows ng GMA.
“And I also feel, you know, parang… responsible din because dalawang roles yung ginagampanan ko. as clash master (sa The Clash), yung isa as coach naman sa The Voice Kids. So, talagang pinagbubutihan,” dagdag chika ni Julie.
Sey naman ni Rayver, “Sobrang nakakatuwa yung blessings na dumadating sa amin, sa JulieVer.
“And totoo naman po, e. Nag-iipon po kami para sa future naming dalawa. Wala naman po akong gustong i-share ng future ko kundi sa kanya lang talaga. Alam naman niya na gusto ko siyang makasama habang buhay,” ani Rayver.
In fairness, halos wala na ring pahinga si Rayver sa pagwo-work dahil bukod sa “The Clash 2024” at “All-Out Sundays” ay tuluy-tuloy pa rin ang primetime series niyang “Asawa ng Asawa Ko” aside from the movie na tinatapos niya ngayon.