Ria malapit nang manganak sa 1st baby nila ni Zanjoe

Ria malapit nang manganak sa 1st baby nila ni Zanjoe, Sylvia may regalo na

Ervin Santiago - September 16, 2024 - 07:20 AM

Ria malapit nang manganak sa 1st baby nila ni Zanjoe, Sylvia may regalo na

Zanjoe Marudo, Ria Atayde, Sylvia Sanchez at Art Atayde

ARAW-ARAW mine-message ng award-winning Kapamilya actress na si Sylvia Sanchez ang anak na si Ria Atayde para tanungin kung lalabas na ang una niyang apo.

Any moment daw kasi ay manganganak na si Ria sa panganay nila ng asawang aktor na si Zanjoe Marudo kaya naman ngayon pa lang ay super excited na siya.

Sa katunayan may nabili na raw siyang pair of shoes sa France tatlong taon na ngayon ang nakararaan noong dumalo sila sa Cannes International Film Festival na ireregalo raw niya sa kanyang unang apo.

Baka Bet Mo: Tony Labrusca sa una nilang pagkikita ni Kathryn Bernardo: ‘Yung RM niya at that time parang…

“Every day ko tine-text si Ria, ‘Buntis, lalabas na ba ang little boss ko?’ Sabi niya ‘Ma, kalma lang kalma.’ Kasi anytime na eh,” ang pahayag ni Sylvia sa interview ng ABS-CBN.

“Happy siya. Okay siya ngayon, ready na actually siya,” sey pa ni Ibyang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Y.P.F. Grooming Studio (@ypfgroomingstudio)


Nagpapasalamat sa Diyos ang premyadong aktres dahil sa nakikita niyang pag-aalaga ni Zanjoe sa kanyang anak, lalo na noong magsimula itong magdalang-tao.

“Excited ‘yung dalawa. Happy ako kapag nakikita ko sila. Sobrang alaga siya ni Zanjoe. Nakikita ko ‘yung pagmamahal ni Z sobra kay Ria, kaya happy na ako,” ani Ibyang.

Patuloy pa niyang kuwento, “Meron akong binili na sapatos sa Cannes, three years ago. Dalawa, kasi maganda siya. Kung sino ‘yung una kong magiging apo, pagbili ko sabi ko, ‘ay wala pa akong apo’.

“Pero nu’ng nakita ko, ang ganda, wala sa Pilipinas. Pero sige bibilhin kita. Mapupunta ito sa una kong apo,” chika pa ng nanay nina Ria, Arjo at Gela Atayde.

Nakachikahan ng members ng entertainment media si Sylvia nitong nagdaang Biyernes, September 13 sa pa-thanksgiving and early Christmas party ni Congressman Arjo.

Dito, nasabi rin ng husband ni Maine na tulad ng kanyang ina at ng buo nilang pamilya, super excited na silang masilayan ang unang anak nina Ria at Zanjoe at ready na raw siyang maging Tito.

Matatandaang ibinandera nina Ria at Zanjoe sa publiko na magiging mommy at daddy na sa last June, 2024, mismong Father’s Day.

Baka Bet Mo: Ruru Madrid umamin sa harap ni Yassi Pressman: ‘Siya ang una kong crush! Ngayon niya lang nalaman ‘yan!’

“To the dad you already are and the dad I know you’ll be. Love you @onlyzanjoemarudo, so excited for this new chapter with you. Happy first Father’s Day!” ang post ni Ria sa social media.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Happy Folks Studio Inc. (@happyfolks_mnl)


Sinorpresa rin si Ria last June ng kanyang buong pamilya with a bonggang-bonggang family trip sa Hong Kong.

“Excited for the arrival of our little Marudo. Final trip for Mommy @ria before she embarks on motherhood full time,” ang caption ni Sylvia sa mga ipinost niyang family photos sa Instagram na kuha sa Hong Kong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa gender reveal party nina Ria at Zanjoe, in-announce nila na baby boy ang kanilang magiging panganay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending