Driver na may tourette syndrome pinagdudahan, hiniya ng pasahero
KUNG may mga humahanga sa tapang at tindi ng pananampalataya ng driver na si Marlon Fuentes na may “Tourette Syndrome” meron ding mga nanghahamak at nagdududa sa kanya.
Iba’t iba pa rin ang nagiging reaksyon ng mga nagiging pasahero ni Marlon bilang Transport Network Vehicle Services (TNVS) driver, na isa na ring content creator, kapag natitiyempuhan siya sa ipinapasadang taxi.
Kuwento ni Marlon, may mga pagkakataon na pinagdududahan ang pagkakaroon niya ng neurodevelopmental disorder na kung tawagin nga ay “Tourette Syndrome.”
Karaniwan sa mga may ganitong uri ng kondisyon ay kakakitaan ng “repetitive movement” o “unwanted sound” na hindi nila kayang makontrol.
Baka Bet Mo: Kris Aquino may bagong problema sa dugo at minor damage sa baga
Naibahagi ni Marlon ang naging karanasan niya sa isang pasahero sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz na napapanood na sa kanyang YouTube channel.
“Matagal na ‘yun. ‘Di pa ako nagba-vlog nu’n, e. Parang pagsakay niya no’n, sabi niya sa akin kasi nakita niya ‘yung placard tungkol sa kondisyon ko. Sabi niya, ‘Ano ‘to?’ Sabi ko, ‘Ay, sir, may Tourette Syndrome po ako.’
“Tapos tiningnan niya ako. Sabi niya, ‘Totoo ‘yan?’ Tapos tumatawa siya. Parang akala niya, ginagawa-gawa ko lang.
“‘Para ano lang naman ‘yan, e, para makakuha ka ng simpatya ng pasahero, para maka-tip ka,’” ang sabi pa raw sa kanya ng pasahero.
Wala na raw siyang magagawa sa mga ganu’ng pangyayari at iniintindi na lamang niya. Pero marami pa rin naman daw yung mga taong naniniwala sa kanya at nabibigyan din niya ng inspirasyon.
“Nagse-share din sila ng kanilang kuwento, ganyan. Kasi minsan may nakasakay ako, ‘yung linggo raw niya parang masyado siyang stress.
“Pero nu’ng nakita niya ako, wala pala siyang dahilan magreklamo sa buhay (dahil sa nakita niyang kondisyon ko),” pagbabahagi ni Marlon na napanood kamakailan sa ilang episode ng “Batang Quiapo” ni Coco Martin.
Ang isa pa sa hindi makakalimutan niyang karanasan kamakailan ay ang pagpe-pray over sa kanya ng isang batang pasahero na nakaupo sa tabi niya habang bumibiyahe sila.
“Sobrang namangha ako sa kanya. Marami rin sa aking gumawa ng ganu’n, pini-pray over ako. Kumbaga sa ganu’n, may mga pasahero akong pinagdarasal ako, mas nakakatuwa yung byahe ko parang bless na bless yung byahe ko kasi may basbas ng dasal,” sey ni Marlon.
Napanood daw ng bata si Marlon sa isang TV commercial ilang taon na ang nakararaan, “Natuwa siya, ako ‘yung nasakyan niya,” sabi pa ni Marlon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.