Inka Magnaye magdadala ng ahas sa resto na nang-isnab kay Yoda

Inka Magnaye magdadala ng ahas sa resto na nang-isnab kay Yoda

Ervin Santiago - September 12, 2024 - 06:35 AM

Inka Magnaye magdadala ng ahas sa resto na nang-isnab kay Yoda

Inka Magnaye at ang alagang ball python na si Persimmon

HINDI rin napigilan ng voice over artist na si Inka Magnaye ang ma-bad trip sa naranasang diskriminasyon ng Aspin na si Yoda sa isang restaurant sa Tagaytay.

Kaliwa’t kanang batikos ang inabot ng Balay Dako mula sa mga pet lovers at animal welfare advocate nang hindi nila payagang makapasok ang customer na si Lana Antonio dahil kay Yoda.

Kahit na nag-issue na ng official statement ang naturang resto tungkol sa policy nila sa pagpapasok ng alagang hayop ay hindi pa rin sila tinigilan ng mga netizens na galit na galit sa nangyari.

Baka Bet Mo: Inka Magnaye tuloy ang paglaban sa mga body shamers: ‘Today’s Mantra: I look good at any weight’

Bukod sa Kapuso actress na si Heart Evangelista, isa pa sa mga celebrity na nag-react sa kuwento ni Yoda ay si Inka Magnaye, na isa ring kilalang pet lover.

Bukod sa kanyang mga aso at pusa sa bahay, ay may alaga rin siyang ahas.

Pahayag ni Inka, “Balay Dako can turn away Aspins if they want but they need to change their name to Big House kung ganu’n.”

Nabanggit din niya na baka ras dalhin niya ang kanyang alagang yellow ball python na si Persimmon sa Balay Dako para malaman kung talagang binago na ang kanilang policy para maging isa nang pet-friendly resto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Inka Magnaye (@inkamagnaye)


“They said they’ll review their policy daw. Basta pag sabi nilang pet friendly, all pets ha. So im bringing my snake,” ang sey pa ni Inka.

Nauna nga rito, nagbigay din ng reaksyon si Heart, na may-ari ng sosyalerang Aspin na si Panda, sa nangyari kay Yoda.

Sa kanyang Instagram Stories, ipinost ng international fashion icon ang photo ni Panda na may caption na, “Aspin Society Elite President Panda Ongpauco Escudero.

Tinag pa niya ang sariling Instagram account ni Panda na siya rin ang nagha-handle, “‘Sending love to Yoda.'”

Makikita rin sa IG account ni Panda ang kanyang litrato na napapalibutan ng mga unan with matching LV (Louis Vuitton) blanket.

Ang mataray na nakasulat sa caption ay, “Anong walang breed???! Mas may breeding pa ako sa Inyo ha. Loka mga to. Hello sa mga kasali sa Aspin Society Elite.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa comment section, nagkomento si Heart ng, “Invite mo na anak si Yoda for high tea!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending