Magdyowang beki at lesbian ikinasal na, magiging 2 na ang baby

Beki, lesbian nagkagustuhan sa inuman, kasal na; 2 na ang magiging baby

Ervin Santiago - September 09, 2024 - 11:18 AM

Magdyowang beki at lesbian ikinasal na, magiging 2 na ang baby

Kim Adrian Juanico at Apple Hirali (Photo from Ogie Diaz Inspires YT Channel)

IBA’T IBA ang naging reaksyon ng netizens sa nakakaloka ngunit inspiring love story ng LGBTQIA+ couple na sina Kim Adrian Juanico at Apple Hirali.

Si Kim ay isang proud beki habang si Apple naman ay lesbian at na-in love nga sila sa isa’t isa hanggang sa magdesisyong bumuo ng sariling pamilya.

Ibinahagi ng dalawa ang kuwento ng kanilang pag-iibigan sa latest episode ng YouTube channel ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz, ang “Ogie Diaz Inspires”.

Magkapitbahay daw talaga sila sa Tondo at matagal nang magkakilala hanggang sa magkatoon ng chance na magkasama nang dahil sa kanilang mga barkada.

Baka Bet Mo: Aktres na may bagong series, bagong apple of the eye ng mayamang negosyante

Inamin nina Apple at Kim na nagsimula ang lahat sa nang minsan silang magkainuman noong 2015. Ayon kay Apple, nagustuhan na niya si Kim nu’ng panahon yun.

“Na-attract po ako sa kanya nu’ng nag-inuman kami nu’n. Tapos nu’ng may nangyari po sa amin, sobra po akong natakot no’n. Kasi nga, first time ko sa lahat, e.


“Unang-unang kinuwento ko lang sa bestfriend ko na masaya ako na kinakabahan. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung itutuloy ko ba ‘yon. Kasi kakahiwalay ko lang nu’n sa relasyon kong eight years,” pahayag ni Apple.

Ngunit hindi naging madali para sa magdyowa ang kanilang pagsasama dahil sa mga natanggap na pambabatikos at pangnenega ng mga nakakakilala sa kanila.

Sey ni Apple, sobrang naapektuhan siya sa diskriminasyong naranasan kasabay ng naramadamang takot sa pagsasama nila ni Kim na first time niyang ginawa.

“Nagkakasama po kami pero parang ‘di pa rin ako komportable,” sabi ni Apple na nagresulta sa paghihiwalay nila.

Baka Bet Mo: Aktres na may bagong series, bagong apple of the eye ng mayamang negosyante

Ngunit sa kabila ng mga nangyari, sila pa rin ang itinadhanang magsama hanggang sa magpakasal noong September 1. Walong buwan na ring buntis ngayon si Apple sa ikalawa nilang anak ni Kim.

Ayon pa kay Kim, hindi na nila masyadong iniintindi ang pamba-bash sa kanila ni Apple pati na ang diskriminasyong nararanasan mula sa mga taong hindi nakakaintindi sa kanilang relasyon, lalo na noong ipagbuntis at isilang ang panganay nilang anak.

“Hindi po ako nahihiya. Masaya po talaga ako nu’n. Hindi ako naaapektuhan sa sinasabi ng tao. Kasi bakit ako maaapektuhan? Ikaw ba ang nagpapakain sa akin? Close ba kita?” ani Kim.

Dagdag pa niya, “Ang akin lang po kasi, hindi na ako bago sa mga discrimination na natanggap ko. Hindi na bago sa akin ‘yon noong nagkaanak pa ako.

“Ang tanging nasa isip ko lang, hindi ako magpapaapekto sa inyo. Ang nasa isip ko lang, mapalaki ko nang maayos ‘yong bata na alam kong magiging proud sa akin ‘to paglaki,” esplika pa ni Kim.

Si Apple raw talaga ang sobrang apektado noon sa mga batikos na natatanggap nila, “Parang hindi pa kasi talaga ako sanay. Natatakot din po ako sa mga magulang ko, ganu’n. Pero hindi pala dapat kasi nga parehas na…lalaki at babae.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pangarap daw talaga ni Kim na magkaanak at magkaroon ng sariling pamilya na natupad nga dahil sa pagmamahalan nila ni Apple.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending