“GRABE! May nanay pala talagang nakakapagsalita ng masasakit sa kanila at walang pakialam sa mararamdaman ng kanilang anak!”Isa lang yan sa mga komento na nabasa namin tungkol sa isang inang hindi nagustuhan ang iniregalong hikaw sa kanya ng anak.Maraming naapektuhan sa in-upload ng Facebook page na “Celebrity Random Updates” na screenshot mula sa isang TikTok video (may handle name na ‘its_over27) kung saan naglabas ng sama ng loob ang isang anak patungkol sa kanyang nanay.Ayon sa TikTok user, bumili raw siya ng hikaw bilang regalo sa kanyang nanay at ipinabigay sa kapatid.Baka Bet Mo: Pokwang kay Lee: What if ipinaglaban niya kami at hindi nanggamit?“Then my sister told me na sinearch pa daw ni mama price at sabi fake at makati nung sinuot nya kaya di daw nya gagamitin at ibalik nalang sakin para ako nalang gumamit,” ayon sa uploader.
Ayon pa sa anak, nabili niya ang pares ng hikaw sa halagang P399 pero ang expectation daw ng nanay sa hikaw ay totoong gold at mamahalin.
“Then my sister told me na sinearch pa daw ni Mama price at sabi fake at makati nu’ng sinuot nya kaya di daw nya gagamitin at ibalik na lang sa kin para ako na lang gumamit,” ang masamang-masamang ang loob na sabi pa ng anak.
Iba’t iba ang naging reaksyon ng mga nakabasa sa hugot ng TikTok user, pero mas marami ang kumampi sa kanya kesa sa nanay na tinawag pa nilang walang kuwentang ina. Narito ang ilang comment ng netizens.
“Me as a mom of 4 sabi k s mga anak kht worth 1.00 or 5.00 lng gift nyo sakin basta galing sa puso i will accept it i dont look sa price..effort lng sapat na”
“Baka naman kasi nagsusugat ang tenga ng mommy mo kaya ganiyan, tingnan mo lang din kung baka ganoon ang naisip niya.”
Baka Bet Mo: Liza binanatan ng netizens matapos ipagtanggol si Angel: Shut up na lang, wag nang makialam
“Tayong mga anak matuto tayo sa mga gantong sitwasyon na wag na natin ipilit ang effort natin kung di talaga alam nong tao ang magpasalamat o mang appreciate. Ito ay isang lesson na wag na natin iparanas sa mga magiging anak natin.”
“Some parents are like this. It is so sad.”
My daughter gave me a #mikana necklace last June before going back back here in Kuwait. Wala sa presyo yan. It’s the thought that counts. And I really appreciate it knowing na galing sa ipon nya un.”
“Naalala ko si nanay. Siya yung tipo na di vocal. But ramdam ko naman na grateful siya once na niregaluhan. Tatanggapin niya yung regalo mo, di ko siya maririnig magthank you pero makikita mong gagamitin niya ang bigay mo. Then tatanungin ka niya kung anong gusto mong ulam kasi lulutuin niya or if aalis siya tatanungin niya kung gusto mo sumama.”
“Naalala q nanay ko, nagssugat tlga tenga nya kapag di totoong gold ung isusuot sknya.. huwag ka na magtampo ate girl, baka naman ‘yan lang naisip niya.”
“Niregaluhan ako mikana necklace ng partner ko nung birthday ko August 2021 pa. nagffade sya. pero hanggang ngayon nasa akin padin. iniingatan ko.”
“ako binilihan ko ng deerma vacuum kasi hirap na siya mag walis. tas sabi sakin 1600 lang pabirthday ko 🙂 never ako nakareceive ng cake from her, but i always surprise her with a birthday cake.”
“Honest review, may mga allergic talaga sa Mikana. Ako din nangangati.”
“Sana pinera mo na lang.”
“I understand you, but I also understand your mom. Kahit ako nangati sa Mikana at namaga ang tenga. Pero pwede rin namang itago nalang ng mama mo kasi gift naman galing sayo.”