NILINAW ng Filipino pole vaulter na si EJ Obiena ang chikang kumalat sa social media na nag-propose na siya sa kanyang girlfriend na si Caroline Joyeux.
May mga balita kasing naglabasan na magpapakasal na raw si EJ sa kanyang dyowa na isang German athlete.
Kaya naman sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” ng GMA 7, natanong siya tungkol sa marriage proposal niya umano kay Caroline.
Baka Bet Mo: Maricel Soriano sumabak sa pole dancing, bumilib kay Ciara Sotto: Oh my God! Ang galing, parang magic!
“Now that you have a girlfriend, may proposal bang magaganap?” diretsong tanong ni Tito Boy sa Pinoy athlete.
“Wala po. Take it easy. I think we’re still young and we’re figuring things out,” tugon ni EJ.
Sunod na question ng King of Talk, “But you’re starting to talk seriously?”
“I think we’re very serious naman po. It’s a very serious relationship. She’s really amazing and she’s make me want to be a better person,” pahayag ng Filipino pole vaulter.
Apat na taon nang magkarelasyon sina EJ at Caroline. Nagsimula ang kanilang love story nang magtagpo sila sa kauna-unahang pagkakataon sa training camp sa Italy noong 2020.
Baka Bet Mo: EJ Obiena inakalang ibu-boo sa paglaban sa Asian Games: ‘It was definitely opposite of what I expected’
Matatandaang nakuha ni EJ ang ikaapat na puwesto sa ginanap na pole vault finals sa naganap na Paris Olympics 2024
Naibahagi rin ng binata sa “Fast Talk” kung paano siya nagsimula sa pole vaulting. Parehong atleta ang kanyang parents – ang tatay niyang si Emerson Obiena ay part ng national team bilang isa ring pole vaulter, habang ang nanay niyang siJeannette Uy Obiena, ay isa namang hurdler.
“Nu’ng bata po kasi ako as in mga 3 or 4 kasama na po ako ng dad ko. That time active pa po siya na athlete, still competing in Southeast Asian Games, so as a kid you look up to your parents.
“I wanna try it, gusto ko pong subukan, parang playground ko po ‘yun,” ani EJ
“May video po actually ‘yung parents ko po na nagpupulot po ako ng damo kung saan ‘yung training area. Dun po ako lumaki and I got used to the facilities, hanging out with the national athletes,” sabi pa ng binata.
Tungkol naman sa naging performance niya sa Paris Olympics, ito ang post ni EJ sa kanyang socmed post, “I am proud of what I was actually able to stitch together for this Olympics, with all the struggles that came with this year, but still it hurts to be this close to an Olympic Medal.”
“I learned a long time ago to take one day at a time, and that’s exactly what I am going to do. Thank you again for your support and standing by my side.
“I love you all, and we all share a common love and pride for the Philippines…’The good get up’ as they say. I have been knocked down. But I will get back up,” ani EJ.