Noel Cabangon dream come true ang maka-graduate ng kolehiyo

Noel Cabangon dream come true ang maka-graduate ng kolehiyo: Finally!

Pauline del Rosario - September 05, 2024 - 10:09 AM

Noel Cabangon dream come true ang maka-graduate ng kolehiyo: Finally!

PHOTO: Instagram/@noelcabangon

IKA nga nila, “Dreams do come true,” lalo na kung sinamahan niyo ito ng sipag, tiyaga at pagpupursige.

Kagaya na lamang ng veteran singer-songwriter na si Noel Cabangon na nakapagtapos ng kolehiyo sa kabila ng kanyang edad.

Sa Instagram, proud na ibinandera ni Noel ang ilang graduation pictures niya sa Philippine Women’s University (PWU).

Bukod sa kasama niya ang kanyang batchmates, kapansin-pansin din ang isang litrato na tila naghandog pa siya ng performance para sa fellow graduates.

“Chasing your dream never stops. Finally, I got my degree today,” caption niya sa post na punong-puno rin ng pasasalamat sa mga mahal niya sa buhay.

Baka Bet Mo: Ejay Falcon graduate na ng Political Science: Hindi ko rin po sukat akalain!

Aniya pa sa IG, “Go and chase yours, too!”

Ayon sa PWU, ang batikang mang-aawit ay nakapagtapos ng Bachelor of Music Major in Popular Music degree sa ilalim ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) ng School of Music.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Noel Cabangon (@noelcabangon)

Sa comment section, maraming kapwa-singers ang nagpaabot ng “congratulatory” messages para kay Noel.

Lahad ni Dingdong Avanzado, “Congratulations! [clapping hands emojis] never too late!”

Komento ni Jim Paredes, “Wow. Ang galing mo. The search for knowledge and achievement should not end. Idol kita Noel.”

Sey naman ni Ogie Alcasid, “Congrats bro!!”

Kung matatandaan, noong 1987 nang mabuo ni Noel ang grupong Buklod kasama sina Rene Boncocan at Rom Dongeto.

Ilan lamang sa mga kanta nila ay tungkol sa kalikasan, karapatang pantao, at pulitika na itinampok sa mga album na “Bukid at Buhay,” “Tatsulok,” at “Sa Kandungan ng Kalikasan.”

Nang ma-disband ang kanilang grupo, ang 60-year-old singer ay sumabak na sa solo career at naglabas ng anim na solo albums.

Bukod diyan ay nag-compose rin siya ng mga kanta para sa mga pelikula o para sa ibang artists.

Pinasok din ni Noel ang mundo ng teatro kung saan siya ay naging musical director.

Pati acting career ay sinubukan niya rin at bumida siya bilang si Jesus Christ sa local production ng “Jesus Christ Superstar” noong 2000.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dahil sa tagal niya sa music industry, ilan beses na siyang kinilala at pinarangalan.

Kabilang na riyan ang Best Performance by a Male Recording Artist para sa kantang “Kahit Maputi na ang Buhok ko” noong 2010 at ang Album of the Year para sa album niyang “Panaginip” noong 2012, na parehong galing sa Awit Awards.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending