Carlos Yulo ayaw mag-artista: Hindi po ako marunong umarte!

Carlos Yulo ayaw mag-artista: Hindi po ako marunong umarte!

Ervin Santiago - September 05, 2024 - 12:15 AM

Carlos Yulo ayaw mag-artista: Hindi po ako marunong umarte!

Carlos Yulo, Chloe San Jose at Andrea Brillantes

KUNG gugustuhin ng 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo ay pwedeng-pwede rin siyang sumabak sa mundo ng showbiz.

Sa kasikatang tinatamasa niya ngayon ay hindi imposibleng mahalin at suportahan din siya ng kanyang mga fans sakaling pasukin din niya ang pag-aartista.

In fairness, hindi lang sa Pilipinas sikat na sikat si Caloy kundi maging sa iba’t ibang bahagi rin ng mundo. Patunay diyan ang dami ng nagpa-selfie sa kanya sa Paris, kabilang na ang mga kapwa niya atleta.

Baka Bet Mo: Carlos Yulo super in love kay Chloe: Grabe! Napakaganda mo mahal ko!

Sa katunayan, marami ang nagtatanong kung posible nga bang mapanood din ng sambayanang Filipino si Carlos na umaakting sa harap ng mga camera?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sinagot yan ng diretsahan ng binata sa panayam sa kanya ni si Luis Manzano para sa YouTube channel nito kung saan napag-usapan nga ang tungkol sa posibilidad ng pagpasok niya sa showbiz.

“Hindi po. Hindi po talaga. Hindi po ako marunong umarte po, e,” ang agad na sagot ni Carlos.

Wala rin daw siyang planong maging sports host sa TV o sa mga online programs dahil mas gusto niyang mag-focus sa kanyang career bilang gymnast at sa pagtulong na rin sa larangan ng sports.

Baka Bet Mo: Angelica, Eldrew madiskarteng mag-ina, live selling sa FB patok

“Gusto ko related talaga sa sports po. Makatulong po talaga sa community ng gymnastics po talaga. Iyon ‘yung gusto ko. Hindi ko nakikita ang sarili ko na nasa showbiz po ako, eh,” katwiran ni Carlos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Gusto raw niyang magkaroon ng iba’t ibang platforms para maibahagi ang lahat ng kanyang nalalaman at mga karanasan sa mga kabataang nais subukan ang gymnastics.

“Ma-share ko ‘yung knowledge ko po and naging experience ko po sa high level po and sa ganitong elite level po. Ma-share ko siya sa mga kabataan. Hopefuly na makarating sila sa ganitong level po,” sey pa ng Pinoy champ.

Kinumpirma rin ni Carlos na sasabak ulit siya sa matinding training para sa paglaban niya Southeast Asian Games o SEA Games na magaganap na sa 2025.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kamakailan ay nag-viral ang pictures nina Carlos at Andrea Brillantes sa sommes at marami ang nagsabi na bagay sila magtambal sa isang acting project.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending