Angelica, Eldrew madiskarteng mag-ina, live selling sa FB patok

Angelica, Eldrew madiskarteng mag-ina, live selling sa FB patok

Ervin Santiago - September 04, 2024 - 12:25 AM

Angelica Yulo LODI ng mga madiskarteng ina, live selling patok

UMAANI ngayon ng mga bonggang papuri at mga positibong komento ang nanay ni 2-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Angelica Yulo.

“Loding Ina”, “Madiskarteng Nanay”, “Mother of the Year” at kung anu-ano pang titulo ang ikinakabit ngayon sa ina ni Caloy na siguaradong ikinatataba ng kanyang puso.

Sandamakmak na netizens ang nanood ng Facebook Live ni Angelica kahapon, September 3, kung saan game na game siyang nag-online selling na tumagal nang halos three hours.

Baka Bet Mo: Angelica Yulo keribels pa ring mabuhay kahit wala ang pera ni Carlos

Nakasama rin ng sikat na sikat na ngayong lodi na nanay ang kanyang anak na si Eldrew Yulo, na isa ring premyadong gymnast, sa pagbebenta ng kanyang mga produkto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


In fairness, maraming nag-mine sa mga ibinentang t-shirt at skin care products ng mag-ina sa kanilang live selling. May tag price na P250 ang mga skin care products ni Angelica habang nasa P500 naman ang aniya’y mga “branded” t-shirts na ibinebenta nila.

Pagkatapos ng FB Live ni Angelica, nag-post siya uli ng mensahe para sa lahat ng bumili sa kanya.

Pakiusap ng nanay ni Carlos, “To all the miners of premium shirt and blissfull skincares kindly resend again a message and a screenshot coz we can’t see your messages due to end to end encryption to the messenger salamat po. God bless you all.”

Bukod sa mga naturang produkto, nagtitinda rin ang nanay ni Carlos ng longganisa, chicken at iba pang pagkain kung saan kumikita rin siya nang malaki lalo na nang biglang dumami ang kanyang customers.

At hindi lamang dito sa Pilipinas magenta ang food business ni Angelica, meron din siyang mga customer na OFW mula sa Hongkong, Dubai at iba pang bansa sa Asia.

Baka Bet Mo: Carlos Yulo super in love kay Chloe: Grabe! Napakaganda mo mahal ko!

Pinatutunayan lamang ni Angelica na kayang-kaya niyang magtrabaho at magsakripisyo para sa kapakanan ng kanyang pamilya na hindi umaasa sa parang napanalunan ni Carlos sa Paris Olympics 2024.

Nakakatuwa ang mga comments ng netizens na nabasa namin sa FB page ni Angelica hinggil sa patuloy niyang pagbabanat ng buto upang makatulong sa kanilang mga pangangailangan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Yayyyy proud ako sa iyo at proud tindera din ako dito sa Madrid. more benta. yan ang nanay madiskarte.

“God bless mommy Angelica, more blessings, more costumers and more wealth hehe.”

“Parang mas marami kayong supporters madam kysa supporters ng hilaw nyung manugang. Anyway, keep it up po. GOD BLESS AND MORE SELLING TO COME.”

“Bless more mommy angge.. Dami kona talaga nakaaway sa socmed sa pagtatanggol sau.. Prove to them na mabuti kang ina at mali mga paratang nila sau. Godbless.”

“Very supportive si Karl ha ha ha nakakatuwa sissy. mag Benta Ka din Ng 3 in 1 sissy shirt, short en pants.”

“Tuloy mo lng Yan mommy, Godbless s inyo po. Never mind s mga bashers put them all to God.”

“Humahanga po ako sa Inyo..same taung ma diskarte..followers here from Hongkong.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Thank you maam angee, ikaw ang dakilang ina sa mga anak mo, napalaki mo ang mga anak na may ginintuang talento Mabuhay ka maam.”

“Kakatuwa po kayo panoorin ng pamilya mo lalo na si eldrew ang kulit sobra para lang kayong magkapatid.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending