10 katao patay dahil kay 'Enteng', daan-daang pamilya lumikas

10 katao patay sa pananalasa ni Enteng, daan-daang pamilya lumikas

Ervin Santiago - September 03, 2024 - 09:05 AM

10 katao patay sa pananalasa ni Enteng, daan-daang pamilya lumikas

Matinding pagbaha sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas dulot ng bagyong Enteng

SAMPU katao ang napaulat na nasawi dahil sa matinding pag-ulan, pagbaha at landslide dulot ng pananalasa ng bagyong Enteng na sinabayan pa ng habagat.

Base sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), dalawa ang namatay sa Central Visayas, 10 ang sugatan, 14 pamilya o 63 indibidwal sa tatlong barangay ang naapektuhan ng bagyo.

Ayon naman sa City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), anim ang nasawi sa landslide at pagkalunod sa Antipolo City, Rizal.

Baka Bet Mo: Walang pasok sa private at public school sa NCR dahil kay ‘Enteng’

Sabi ni CDRRMC Chief Relly Bernardo, dalawang bahay ang natabunan ng landslide sa Sitio Inapao, Brgy. San Jose na ikinasawi ng dalawang bata. Sa ikatlong landslide naman ay patay ang isang 27-anyos na buntis.

Isang 44-anyos na ginang at isang 4-anyos na bata naman ang nasawi sa Brgy. San Luis, Antipolo City.


Samantala, dalawa rin ang napaulat na nasawi sa Naga City, Camarines Sur, kabilang ang isang babaeng sanggol matapos malunod sa rumaragasang baha.

Baka Bet Mo: Samar isinailalim na sa ‘state of calamity’ dahil sa matinding pagbaha, landslide

Base pa sa ulat ng NDRRMC, umabot na sa mahigit 300 pamilya o 210,000 katao ang inilikas sa kanilang mga tahanan at dinala sa mga evacuation center dahil umabot na hanggang dibdib at lagpas taong baha.

Kasabay nito, patuloy pa rin ang pag-monitor ng NDRRMC at mga regional offices sa bagyong Enteng habang naghahanda sa gagawing rescue at relief operation sa mga naapektuhang lugar.

Ngayong araw, September 3, suspendido pa rin ang mga klase sa ilang bahagi ng Luzon dahil kay Enteng.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Base sa inilabas na announcement ng Presidential Communications Office (PCO) kagabi, “classes in all levels and work in government offices are suspended in Metro Manila and Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, and Quezon) on September 3 due to the tropical storm.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending