Di mag-aaral | Bandera

Di mag-aaral

Joseph Greenfield - November 11, 2013 - 03:00 AM

Sulat mula kay Denissee, ng Santo Nino, South Cotabato
Dear Sir Greenfield,
Mahirap ang buhay dito sa bayan namin, lalo pa ngayon na sunud-sunod na ang bagyo at palaging baha sa maraming bahagi ng Mindanao.  Tinapat na ako ng mga magulang ko na kailangan ko nang huminto sa pag-aaral sa kolehiyo dahil hindi na nila kaya ang lumalaking gastos.  Meron kaming konting sinasaka kaya imbes na nakatunganga sa bahay ay sinabi sa akin ng aking mga magulang na tumulong muna sa bukid.  Katatapos ko lang ng first sem at hindi na mag-aaral sa second sem.  Pangarap kong maging nurse para ako makapag-abroad.  Makababalik ba ako sa kolehiyo?  Kailan?  Magiging ganap na nurse ba ako?
Umaasa,
Denissee, ng Santo Nino, South Cotabato
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Mahaba ang Fate Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, hindi ka mawawalan ng career o aasikasuhin sa buhay, kaya kahit na di ka muna makapag-aral dahil di na kaya ng mga magulang mo, sa sarili mong diskarte at paraan ay mapag-aaral mo ang iyong sarili.
Cartomancy:
Five of Diamonds, Two of Hearts at Six of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang maganda at maputing babae ang tutulong sa iyo para makapagtrabaho sa computer café. Sa nasabing trabaho magsisimula ang maganda mong career, hanggang sa ikaw ay maging successful na working student.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending