Kyline, Kate totohanan ang sakitan, pisikalan sa ‘Shining Inheritance’

Kyline, Kate totohanan ang sakitan, pisikalan sa 'Shining Inheritance'

Kate Valdez at Kyline Alcantara

TOTOHANAN ang mga “fight scene” nina Kyline Alcantara at Kate Valdez sa bago nilang teleserye sa GMA, ang Philippine adaptation ng hit Korean series na “Shining Inheritance.”

Sa naturang serye, nagbabalik si Kyline bilang kontrabida na siyang magpapahirap sa karakter ni Kate at asahan daw na marami silang matitinding confrontation scenes na ikakaloka ng manonood.

Sa mediacon ng “Shining Inheritance”  nitong nagdaang Biyernes (August 30),  inamin ni Kyline na may kaba at pressure sa muli niyang pagganap bilang kontrabida, na comfort zone raw niya noon.

Baka Bet Mo: Morissette gustung-gusto nang pakasalan si Dave Lamar; bagong version ng ‘Shine’ viral na

“Sobra-sobra po ‘yung pressure kasi katulad nga po ng sinasabi ko before, dati comfort zone ko po ang pagiging kontrabida.

“Pero ngayon po, hindi na, so kinakabahan po ako kung paano siya i-a-accept ng ating mga Kapuso,” pahayag ng dalaga na ang ganda-ganda at super sexy ngayon.

Actually, mismong si Kyline ang nag-request sa management na sana’y mabigyan siya uli ng chance na makapagkontrabida dahil miss na miss na niya ang ma-challenge nang bonggang-bongga.

Sa kuwento ng “Shining Inheritance”, gagampanan ni Kyline ang role bilang si Joanna De La Costa na inilarawan niya as super complex na character.

“Joanna is really complicated, sobra. Mabait naman po si Joanna pero may mga ginagawa lang po talaga siya na hindi maganda.

“And Joanna’s feisty, she’s aggressive also. At isa sa mga hindi magandang nagagawa ni Joanna ay naging feisty and aggressive din po siya pagdating sa lola niya (played by Coney Reyes),” pagbabahagi ni Kyline.


Samantala, naikuwento nga ni Kyline ang ginagawa nilang paghahanda ni Kate kapag meron silang pisikalan at intense scenes.

Baka Bet Mo: Charo Santos ibabandera ang kabayanihan ng mga OFW sa ‘Shine on Overseas Pinoy’

“Yakapan muna po, pag-uusapan namin, ‘Tototohanin ba natin?’ Pero sa amin po kasing dalawa ni Kate, gusto talaga namin mas totoo para tagos na tagos sa screen ng ating mga Kapuso.

“Pero siyempre, aaminin ko naman po, may moments talaga na ‘di namin maiwasang magkasakitan. Pero kaming dalawa ni Kate, we’re really professional. So alam namin na trabaho ‘to,” sey ng rumored girlfriend ni Kobe Paras.

Magaganap ang world premiere ng “Shining Inheritance” sa September 9 sa GMA Afternoon Prime. Ito’y mula sa direksyon ni Jorron Lee Monroy.

Kasama rin sa cast sina Michael Sager, Paul Salas, Wendell Ramos, Glydel Mercado, Aubrey Miles, Roxie Smith, Seth Dela Cruz, at Charlize Ruth Reyes.

Read more...