Morissette gustung-gusto nang pakasalan si Dave Lamar; bagong version ng ‘Shine’ viral na
WALANG binanggit si Morissette Amon kung kailan ang wedding nila ng kanyang fiancé na si Dave Lamar pero aniya, excited na siyang magpakasal.
Iyan ang nabanggit ng biriterang Kapamilya singer sa katatapos lamang na vitual mediacon para sa launching ng ni-revive niyang kanta na “Shine.”
“Actually, I’m personally excited to get married na kasi po ‘yung kapartner ko po ngayon with everything, the co-producing na lahat ng content ko sa YouTube siya nag-shoot, siya nag-e-edit, siya nagmi-mix.
“I’m excited because there are so many possibilities, ang dami pa po naming magagawa especially when we get married, we’re in one place.
“Kasi ngayon we’re having to throw files back and forth, siyempre ang internet po dito sa Pilipinas hindi pa kabilisan and it takes time,” paliwanag ng tinaguriang Asia’s Phoenix.
Bukod dito ay looking forward din ang mang-aawit na kapag magkasama na sila sa iisang bahay ni Dave ay anytime puwede silang makagawa ng kanta at makapag-shoot kaagad hindi ‘yung kung kailan lang sila puwedeng magkita saka palang nila ito gagawin.
Dagdag pa, “Wedding po, wala pa po masyadong (details) but we’re working on that at the same time also, he has also relatives that are coming from the States and we don’t know pa po kasi as of now kung puwede ba (bumiyahe), so hindi pa po kami talaga nag-commit ng time for that.”
Samantala, ni-revive nga ni Morissette ang awiting “Shine” na isinulat ni Trina Belamide. Ito ang nanalong 2nd place sa Metro Manila Popular Music Festival noong 1996 na kinanta ni Ima Castro at taong 2005 ay binigyan naman ito ng bagong version ni Regine Velasquez na talagang naging monster hit.
At bilang 25th anniversary ng song ay ni-revive ito ni Morissette na nag-trending agad at bukas, Biyernes ay ilalabas na ang opisyal recording ng kanta.
Umabot na sa mahigit 7.9 million views ang kanyang YouTube performance video ng “Shine” sa Wish Bus at ang daming nag-react sa videos mula sa voice coaches na galing sa iba’t ibang bansa na talagang napabilib sa version ni Mowie (palayaw ng singer).
Nakipag-partner naman ang OPM hitmaker at ABS-CBN Music creative director na si Jonathan Manalo sa Filipino-American musical director na si Troy Laureta para bigyan ang “Shine” ng gospel waltz vibe habang pinapanatili ang kabuuang tunog nito.
Maririnig na ang official version ni Morisette ng “Shine” sa iba’t ibang music streaming services simula bukas, at may TV launch naman sa “ASAP Natin ‘To” ang music video nito sa Linggo, Mayo 30 at mapapanood sa YouTube channel ni Morissette.
* * *
Patuloy ang paghahatid ng ABS-CBN ng dekalidad na programa tuwing Linggo sa TV5 sa buong bansa dahil mapapanood na ang patok na mga pelikula ni Fernando Poe, Jr. na “Ang Padrino” at “Ang Pagbabalik ng Panday” sa “FPJ: Da King” sa Mayo 23 at 30.
I-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus, para mapanood sa TV5 ang mga pelikulang ito.
Samahan si FPJ sa “Ang Padrino” sa kanyang pagganap bilang si Emong, na kinikilalang “padrino” sa kanyang bayan dahil sa kakayahan nitong ayusin ang anumang gusot.
Pero masusubok si Emong dahil may mga maimpluwensyang tao ang makakalusot sa batas na siya niyang ikagagalit at magtutulak sa kanya para ialagay sa sariling kamay ang batas.
Samantala, nagbabalik naman si Flavio para tugisiin ang nabuhay na si Lizardo (Max Alvarado) sa “Ang Pagbabalik ng Panday.”
Sa kanilang pagtugis sa kaaway, haharapin nina Flavio at mga kakamping Temyong (Lito Anzures) at Lando (Bentot, Jr.) ang mga demonyo at si Bruhilda (Rosemarie Gil), ang diwata bumuhay kay Lizardo at nagbigay sa kanya ng kapangyarihang kayang tapatan ang sandata ni Flavio.
Mapapanood ang “FPJ: Da King: tuwing Linggo mula 2 hangang 4 p.m. sa TV5, pagkatapos ng “ASAP Natin ‘To,” kung saan natutunghayan ang weekly concert experience tampok ang world class performances ng pinakasikat na Kapamilya celebrities.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.