HINDI makapaniwala ang actor-politician na si Ejay Falcon na finally ay nakapagtapos na siya ng kolehiyo.
Ang good news ay proud na proud niyang ibinandera sa isang Facebook post kung saan makikita ang kanyang diploma at ilang moments sa naganap na commencement ceremony.
Present sa kanyang graduation day ang kanyang misis na si Jana Roxas.
“When the intention is clear, God will really make it happen,” bungad niya sa post.
Caption pa ni Ejay, “Mga kababayan, hindi ko rin po sukat akalain na sa aking edad eh makakatapos pa rin ako ng kurso sa kolehiyo.”
Baka Bet Mo: Kalurks: James Reid biglang huminto sa pag-aaral nang malamang binebenta ng schoolmates ang litrato niya
Wika pa ng aktor, “Graduate na po ako, at inaalay ko po ito sa bawat isang taong patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay at patuloy na naniniwala sa magandang hatid ng sipag at tiyaga.”
Sa dulo, ipinagmalaki niyang nakapagtapos siya ng Bachelor of Arts in Political Science major in Local Government Administration mula sa University of Makati.
Sa hiwalay na post, ibinandera ni Ejay kung gaano ka-proud ang mga nasasakupan niyang mga kababayan at lubos niya itong pinasalamatan.
“Maraming, maraming salamat sa lahat ng nagtulong-tulong para magkabit ng mga Tarpaulin na ito, Maraming salamat mga Kabataang Mindoreño,” lahad niya.
Aniya pa, “Sana ay nakakapagbigay pa ako ng maraming inspirasyon, pag-asa at suporta bilang isang Lingkod Bayan. Maraming salamat sa mga sakripisyo ninyo [folded hands emoji].”
Si Ejay ay kasalukuyang naninilbihan bilang vice governor ng Oriental Mindoro.
Bago siya sumabak sa public service, siya ay sumikat at nakilala matapos maging big winner sa reality show na “Pinoy Big Brother” noong 2008.
Pagkatapos niyan ay nabigyan siya ng ilang proyekto kung saan bumida siya sa hit TV series na “Katorse,” “Pasión de Amor” at “The Blood Sisters.”