Ejay nakipag-angasan kay Bong: Mas naging idol ko pa siya!

Ejay nakipag-angasan kay Bong: Nakakabilib! Mas naging idol ko pa siya!

Ervin Santiago - January 28, 2024 - 12:05 AM

Ejay nakipag-angasan kay Bong: Nakakabilib! Mas naging idol ko pa siya!

Ejay Falcon, Beauty Gonzalez at Bong Revilla

BUMILIB at mas tumaas pa ang respeto ni Ejay Falcon sa seasoned actor at public servant na si Sen. Bong Revilla.

Kasama si Ejay sa action-comedy series ng GMA 7 na “Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis Season 2” na pinagbibidahan nga nina Sen. Bong at Beauty Gonzalez.

Sa naganap na grand presscon ng naturang action-sitcon kahapon, January 26, naikuwento ni Ejay kung bakit mas bumilib pa siya sa senador bilang aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Tinamaan daw kasi ng baril sa mata si Sen. Bong habang kinukunan ang isang eksena nila ni Beauty sa season 2 ng “Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.”

Nagdugo ang tinamaang mata ni Sen. Bong dahil sa lakas ng impact ng pagtama ng baril sa mukha niya.

Baka Bet Mo: Dennis, Jennylyn, Dylan tinamaan ng COVID-19; Ejay Falcon nanggulat

Dito raw ipinakita ng husband ni Lani Mercado ang kanyang professionalism dahil kahit naaksidente ay bumalik pa rin ito sa taping after magpatingin sa doktor na parang walang nangyari.

Natanong nga si Ejay sa presscon kung paano niya idi-describe ang unang pagkakataong pagsasama nila ng veteran actor at movie icon sa isang TV series.

“Si Senator Bong talaga yung isa sa mga pangarap kong makatrabaho. Kasi, gaya nang sinabi niya po, ginawa ko yung Dugong Buhay before, launching movie niya yon,” ani Ejay.

Ang tinutukoy niya ay ang paglulunsad kay Bong bilang action star sa pelikulang “Dugong Buhay” noong 1983 under Viva Films. Siya naman ang bumida sa TV remake nito sa ABS-CBN noong 2013.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ejay Falcon (@ejaythefalcon)


“So ako, naging peg ko rin bilang ako bagong artista, isa sa mga naging peg ko na action star ay si Senator Bong.

“At nu’ng nakatrabaho ko siya, nabigyan ako ng chance na makapagtrabaho, thank you po GMA 7 sa pagkakataon na nakatrabaho ko siya,” aniya pa.

Pagpapatuloy pa niya, “Mas nakilala ko po siya. Ina-idolize ko siya bilang isang artista o public servant.

“But nu’ng nakatrabaho ko po siya, natatandaan ko yon sa Taytay, may shooting kami, may konting aksidenteng nangyari sa kanya.

Baka Bet Mo: Ejay Falcon inalala ang pagiging kargador sa Mindoro; tuloy na ang pagtakbo sa 2022?

“Pero akala ko mapa-pack up ang taping. Sabi ko, mukhang hindi na babalik si Sen kasi tumakbo sa ospital. And then, maya-maya, biglang magsu-shoot si Sen.

“So, bilang isang artista or action star, ina-idolize ko yung tao na nakatrabaho mo, nakita mo tapos nakilala mo,” sabi pa ng vice-governor ng Oriental Mindoro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Dito sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis Season 2 very proud na maka-work po si Senator Bong and looking forward ako sa mga eksena namin together na ang daming mga fight scene. Medyo angasan kami ng angasan,” dagdag pa ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending