Sanya ginamit ng sindikato sa paghingi ng donasyon para sa mga Aeta
BIKTIMA rin ng mga naglipanang poser at scammer sa social media ang Kapuso actress na si Sanya Lopez.
Nakarating sa dalaga ang ginagawang panloloko ng mga sindikato sa mga kababayan nating inosente gamit ang kanyang pangalan at litrato.
Kaya naman agad nagbigay ng warning si Sanya sa kanyang mga fans at social media followers tungkol sa fake account na ginagamit ng mga poser kasabay ng paalala na huwag basta maniniwala agad sa mga nababasa at napapanood online.
Baka Bet Mo: Ogie Diaz umalma sa poser ni Kim Rodriguez: Paulit-ulit ha, halatang bobita bumble bee ang sumulat!
Ni-repost ng aktres sa kanyang Instagram Story ang screenshot ng palitan ng mensahe sa pagitan ng nagpapanggap na siya at ng netizen gamit ang isang messaging app.
Makikita rito na nanghihingi ang scammer ng donasyon para raw ipangtulong sa mga Aeta sa Zambales.
Makikita rin sa IG post ni Sanya ang screenshot ng profile ng user kung saan nakabalandra nga ang litrato ng aktres. Nilagyan ng dalaga ng salitang “Scam Alert” ang kanyang post.
Dito nga niya pinaalalahanan ang publiko na maging maingat sa mga ganitong klase ng mensahe, lalo na kapag nanghihingi na ng pera o donasyon.
View this post on Instagram
Sa hiwalay na video post ni Sanya, muli niyang itinanggi na siya ang nasa likod ng mga mensaheng ipinadadala sa messaging app.
Baka Bet Mo: Mag-ingat sa pekeng ‘Darren Espanto’; PBB 10 celebs dadaan muna sa matinding ‘test’ bago pumasok sa Bahay ni Kuya
“Sa lahat po ng mga chinat nu’ng scammer, hindi po ako ‘yun. Okay? Malinaw, hindi po ako ‘yun. ‘Wag po kayo magbigay agad-agad ng tulong, my goodness.
“Tawagan niyo, i-video call niyo, kailangan mukhang-mukha ko,” babala ni Sanya sa publiko.
May isang netizen din ang nag-comment sa Instagram Story ni Sanya na may natanggap din siyang message mula sa Kapuso actress at iba pang kilalang celebrities from the same messaging app.
“Ingat tayo sa mga scammer, may ibang Biber message pa ako natanggap, naka-name sa mga artists and influencers too,” sabi ng netizen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.