Ogie Diaz umalma sa poser ni Kim Rodriguez: Paulit-ulit ha, halatang bobita bumble bee ang sumulat! Bandera

Ogie Diaz umalma sa poser ni Kim Rodriguez: Paulit-ulit ha, halatang bobita bumble bee ang sumulat!

Reggee Bonoan |September 13,2022
share this

Ogie Diaz umalma sa poser ni Kim Rodriguez: Paulit-ulit ha, halatang bobita bumble bee ang sumulat!

Reggee Bonoan - September 13, 2022 - 07:23 AM

Kim Rodriguez

PINALAGAN ni Ogie Diaz ang kumalat na balitang mawawala na sa “Darna” ang alaga niyang si Kim Rodriguez base sa ipinost nito sa kanyang social media account.

Sa “Showbiz Update” vlog nila ni Mama Loi kasama si Dyosa Pockoh ay nilinaw ito ng talent manager at content creator.

Poser lang daw ito ng Kapuso actress na ngayon ay nasa Kapamilya show na “Darna” ni Jane de Leon at maganda ang karakter ni Kim bilang si Xandra na kaliwang-kamay ng kontrabidang si General Borgo na hindi pa inire-reveal kung sino.

Ayon kasi sa nakasulat sa social media account kuno ni Kim na binasa ni Ogie “Papatayin na ‘yung character ko sa Darna sa September 30, 2022, Friday last day ko na. Last day ko na rin sa ABS-CBN dahil inofferan ako ng GMA na bumalik sa network nila. Tinanggap ko ang offer.”

Bukod kay Kim ay hinainan din daw ang manager niyang si Ogie Diaz ng Kapuso network base pa rin sa post ng poser.


“Ang manager kong si Ogie Diaz ay inofferan din ng GMA na lumipat sa network, tinanggap ng manager ko,” ang sabi ng poser.

Reaksyon ng vlogger-talent manager, “Paulit-ulit ha, halatang bobita bumble bee ang sumulat nito!”

Balik-tanong ni Mama Loi, “So, totoo nga ‘Nay lilipat ka sa GMA?”

“Dyusko unang-una walang alok, paano ako lilipat? Hindi po totoo at patuloy po na nagte-taping ang (Darna) at sa katunayan ay nasa lock-in po ngayon si Kim Rodriguez,” pagkaklaro ni Ogie.

Malakas ang dating ng karakter ni Kim sa “Darna” at bukambibig siya ng mga nakakapanood ng serye ayon kay Mama Loi.

“Napakahusay din naman kasing umarte,” saad naman ni Ogie.

Tanong ni Mama Loi, “E, sino ‘yang Kim Rodriguez na ‘yan ‘Nay na nag-post?”

“E, siyempre impostor! Hindi ito si Kim Rodriguez at saka nakalagay dito, ‘si Kim Roddriguez ay nasa GMA Network.’ Pero meron po siyang Official Fan Page na may 5.9M ang followers sa Facebook. 

“Kaya hindi trulili, okay?  Fake news na naman,” kunot noong paliwanag ng manager ng aktres.
May tanong ulit si Mama Loi na si Kim daw ang bagong Liza Soberano na wala na sa kanya.
“Magkaiba naman sina Kim at Liza,” sagot ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Si Liza nag-iisa, si Kim ganu’n din. May kanya-kanya silang identity, magkaiba sila ng level.”

Hirit ni Dyosa Pockoh, “Magkaiba kami. Ha-hahaha!”

“Ay pasensya po, si Dyosa rin pala alaga ko,” natawang sabi ni Papa O.

Anyway, obserbasyon din ng nakararami na nag-shine at umingay ang pangalan ni Kim nang mapasama siya sa “Darna” ng Kapamilya network.

Sa kasalukuyan ay freelance artist ang dalaga kaya maaari siyang lumabas sa GMA at ABS-CBN.

Talent manager, nagbago na; nagmamaganda dahil may alagang beauty queen

Wilbert Tolentino pumalag sa blind item tungkol kay Herlene Budol: Obligasyon kong protektahan siya

Ina Raymundo may poser sa FB: This impostor is selling items under my freaking name!

Alaga at kalinga ng ina, mas dama sa gitna ng pandemya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending