Bea umaming natatakot na: I'm 36 at hindi pa ako nagkakaanak

Bea umaming natatakot na: I’m 36 at hindi pa ako nagkakaanak

Ervin Santiago - August 18, 2024 - 12:10 AM

Bea umaming natatakot na: I'm 36 at hindi pa ako nagkakaanak

Bea Alonzo

AMINADO ang Kapuso star na si Bea Alonzo na may nararamdaman na rin siyang pangamba dahil sa edad niya ngayon ay wala pa rin siyang anak.

Wish ng aktres na maging isa ring cool na ina tulad ng nanay niyang si Mary Anne Ranollo kapag nabigyan siya ng pagkakataon na maging mommy.

Sa nakaraang episode ng Kapuso program na “My Mother, My Story” hosted by Boy Abunda, naibahagi nga ng dalaga ang relasyon niya sa kanyang inang si Mary Anne.

Baka Bet Mo: Reunion movie nina Bea at John Lloyd tuloy na, super enjoy sa GMA: Feel na feel ko na yung pagiging Kapuso ko ngayon!

Kuwento ni Bea, napakalaking bahagi ng kanyang buhay ang inang si Mary Anne na humubog sa kanya kung ano at sino siya ngayon.

Bukod sa pagiging mag-ina, parang mag-BFF din daw ang turingan nila dahil hindi naman ganu’n kalayo ang kanilang mga edad.

“She got pregnant when she was 19 and she had me when she was 20. So we’re also good friends. Growing up parang wala masyadong generation gap,” chika ni Bea kay Tito Boy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vogue Philippines (@voguephilippines)


Sey nga ni Bea, kapag daw naging nanay siya in the near future, gusto niya ring maging isang cool mom tulad ng ina. Pero inamin niya na hindi pa siya sure sa kanyang wish dahil hanggang ngayon ay wala pa siyang sariling pamilya.

“That’s what I’m afraid of since I’m 36 and hindi pa ako nagkakaanak so iniisip ko, ‘Sana maging kasing cool ako ni mama.’

Baka Bet Mo: Bea hindi pa rin napapatawad si Gerald; ayaw nang ma-pressure kung kailan magpapakasal

“If I have kids sana kasing cool ako na mom kagaya ng mama ko,” rebelasyon ng aktres.

Samantala, nabanggit din ni Bea na gusto rin niyang tularan ang ina pagdating sa pagdidisiplina sa anak, na naging istrikto noon sa kanya at sa kapatid niya.

“Just like my mother, I would say. To be honest, she was very strict when we were growing up and of course, back then I didn’t understand why,” sabi ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Natanong din ni Tito Boy si Bea ng, “Sino ka nang dahil sa iyong ina?” “I turned out to be a strong woman because of my mom. She taught me to stand for myself and stand for the truth, always.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending