Reunion movie nina Bea at John Lloyd tuloy na, super enjoy sa GMA: Feel na feel ko na yung pagiging Kapuso ko ngayon! | Bandera

Reunion movie nina Bea at John Lloyd tuloy na, super enjoy sa GMA: Feel na feel ko na yung pagiging Kapuso ko ngayon!

Ervin Santiago - October 10, 2022 - 08:11 AM

Bea Alonzo: Feel na feel ko na yung pagiging Kapuso ko ngayon!

Bea Alonzo

PARANG kailan lang noong pumirma ang award-winning actress na si Bea Alonzo ng exclusive contract sa GMA 7 at heto’t mahigit isang taon na pala siyang Kapuso.

Ayon sa leading lady ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa seryeng “Start-up PH”,  mas kumportable na siya ngayon sa pagiging Kapuso actress.

“I must say na feel na feel ko na yung pagiging Kapuso ko ngayon. Nag-i-slide na siya sa tongue ko, sa bibig ko.

“And I feel, mas komportable na ako ngayon, going in and out of the studio,” ang masayang pahayag ni Bea nang makachikahan ng ilang members ng entertainment press sa isang Korean restaurant last Thursday, October 6.

Dito rin niya ibinalita na tuloy na tuloy na ang reunion movie nila ni John Lloyd Cruz at ang isa pang teleserye na pagbibidahan niya pagkatapos ng “Start-Up PH”.

View this post on Instagram

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Bukod dito, may mga nakalinya pa siyang mga pelikula under GMA Pictures, Star Cinema, Reality MM Studios at Viva Films. Kaya ang sabi ni Bea grabe ang blessings na natanggap niya ngayong 2022 at tatagal pa hanggang 2023.

Samantala, abot-langit din ang pasasalamat ng dalaga sa napakainit na pagtanggap ng mga Kapuso viewers sa Philippine adaptation ng hit Korean series na “Start-Up PH” na pinagbibidahan nila ni Alden. Ito rin ang kauna-unahan niyang serye sa GMA 7.

“I’m happy na nagre-resonate siya sa Filipino audience. I’m happy na na-appreciate nila yung efforts namin.

“And they felt na, at least, yung ibang take o twists na ibinigay namin sa karakter, nakita nila in a positive way,” ani Bea.

Nakaka-relate rin daw siya sa karakter niyang sa programa bilang si Dani, “Sabi nga nila, art imitates life. Sobrang totoo for me because nung start ng Start-Up, I’m starting a new chapter in my life sa GMA.

“Yung character ni Dani, nandiyan siya para abutin yung mga pangarap niya. Para patunayan sa sarili niya na kaya niya. Na marami pa siyang pangarap na gustong abutin.

“And I’m the same way, so dun ako nakaka-relate, yun ang naiiwan sa akin ni Dani, yung fighting spirit niya,” dagdag pang chika ni Bea.

 

https://bandera.inquirer.net/283597/bea-hindi-pa-rin-napapatawad-si-gerald-ayaw-nang-ma-pressure-kung-kailan-magpapakasal

https://bandera.inquirer.net/320451/bea-dumanas-din-ng-hirap-sa-buhay-magkano-kaya-kikitain-ko-sa-linggong-to-makakabayad-kaya-kami-ng-kuryente-at-rent-sa-bahay

https://bandera.inquirer.net/281935/pambabasag-ni-bea-laban-kay-gerald-babala-nga-ba-kay-julia

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/309442/bea-pangarap-makagawa-ng-international-movie-type-makatrabaho-si-bradley-cooper

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending