Korean star Don Lee level up ang bardagulan sa bagong ‘The Roundup’ movie
MAS intense at kakaibang aksyon ang babandera sa pagbabalik ng tinaguriang crime-fighting beast cop!
Showing na kasi ulit sa big screen ang action-comedy film na “The Roundup.”
Mapapanood na sa mga lokal na sinehan ang ikaapat na installment nito na pinamagatang “The Roundup: Punishment.”
Bida pa rin sa bagong movie ang sikat na Korean star na si Don Lee bilang si “Detective Ma Seok-do.”
Napanood na ng BANDERA ang pelikula sa ginanap na advance screening kamakailan lang at talagang na-enjoy namin siya nang bonggang-bongga!
Baka Bet Mo: LIST: Mga pwedeng i-‘movie marathon’ ngayong Agosto
Bumungad agad sa pelikula ang mga pasabog na action scenes na may kahalong katatawanan at ito ay naging consistent hanggang sa ending kaya naman hindi kami na-bored habang pinapanood ito.
Ang nakakagulat pa nga, isa sa mga pinangyarihan ng mga eksena ay ginawa sa Pilipinas, then may mga tampok pang Pinoy actors.
Ikinatuwa rin namin ‘yung pagsasalita ng Tagalog ng isa sa bida na si Park Ji-hwan bilang si “Jang Yi-soo.”
“‘The Roundup: Punishment’ follows three years after the synthetic drug case roundup in Korea, beast cop Ma Seok-do and Metro Investigations are busy chasing down criminals who are dealing drugs through a delivery app, when the app distributor is found dead overseas. The team soon realizes that this case involves a huge illegal online gambling business,” saad sa synopsis ng action film.
Kwento pa, “In the Philippines, ex-special forces mercenary Baek Chang-gi monopolizes Korea’s illegal online gambling business by means of abduction, confinement, assault, and even murder. Meanwhile back in Korea, IT genius CEO Chang Dong-cheol is hatching even bigger plans.”
Ang mga makakasama ni Don Lee sa pekula ay sina Kim Moo-yul, Lee Dong-hwi, Lee Joo-bin, Kim Shin-bi, at marami pang iba.
Ang pelikula ay distributed by Black Cap Pictures at exclusive na mapapanood sa SM Cinemas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.