Mag-inang INDAY at GRETCHEN pataasan ng ihi | Bandera

Mag-inang INDAY at GRETCHEN pataasan ng ihi

Cristy Fermin - November 10, 2013 - 03:00 AM

Habang ginaganap ang production meeting namin nu’ng nakaraang Huwebes sa isang conference room sa second floor ng Reliance Building ng TV5 nasa isang studio naman sa ibaba si Mommy Inday Barretto at iniinterbyu ni Edu Manzano sa kanyang What’s Up, Doods.

Itinuturing na kasing miyembro ng pamilya si Edu, kaibigan nito si Daddy Mike, sa pagkakaalam namin ay sa show lang ni Edu pumayag magpainterbyu ang ina ng magkakapatid na Barretto nang mahabaan.

Talagang matagal pa bago matuldukan ang hidwaan ng mag-inang Mommy Inday at Gretchen, hindi pa nga ipinanganganak ang dahilan para may magbaba na ng pride sa mag-ina, hanggang ngayon ay nagmamatigasan pa rin sila at walang may gustong magpakumbaba.

Nakakalungkot lang isipin na habang nagpapataasan sila ng ihi ay palalim naman nang palalim ang kanilang away, sige-sige sila sa pagbabatuhan ng baho sa harapan ng publiko, kaya ang balik nu’n at pagpuna ay sa kanila rin nauuwi.

Ilang bibig na ba ang naringgan namin ng komento na hindi pala sapat na dahilan ang edukasyon para magkaroon ng pinag-aralan ang isang tao.

Hindi rin daw ngayon at maganda ang tao ay nangangahulugang umaakto na siya nang wasto, may mga tao raw palang naturingan pa namang biniyayaan ng ganda, pero hindi naman kapuri-puri ang ugali.

Hindi masisisi ng mga Barretto ang mga kababayan nating ganu’n ang inililitanya, sila rin naman kasi ang nagsusubo sa ating mga kababayan ng paglalarawang babagay sa kanila, sisihin na lang nila ang kanilang mga sarili sa mga ipinakikita nila sa sambayanang Pilipino.

At sino rin ngayon ang magsasabing blood is thicker than water? Di ba’t mas nababagay sa kanila ang linyang, what you see is what you get?

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending