Rosmar Tan na-scam ng P5-M, life story ipalalabas daw sa TV

Rosmar Tan na-scam ng P5M, life story ipalalabas daw sa TV: Kinasuhan ko

Ervin Santiago - August 13, 2024 - 10:03 PM

Rosmar Tan na-scam ng P5M, life story ipalalabas daw sa TV: Kinasuhan ko

Rosmar Tan at Jerome Pamulaklakin

NA-SCAM din pala ang content creator at entrepreneur na si Rosmar Tan-Pamulaklakin at umabot daw sa P5 million ang naitakbo ng taong nanloko sa kanya.

Sa panayam ng BANDERA kay Rosmar, naikuwento niya ang pambibiktima sa kanya ng isang nagpakilalang konektado raw sa isang TV network.

Inalok daw siya ng suspek kung gusto niyang ipalabas ang kanyang life story para sa isang drama anthology sa TV para magsilbiling inspirasyon sa mga tulad niyang nagsimula sa maliit na negosyo hanggang sa magtagumpay sa buhay.

Baka Bet Mo: Jed Madela ilang beses nang nabiktima ng ‘budol-budol’: It’s so difficult when you’re too nice! Hayyyyy!

Pero ang nangyari, siningil daw siya ng scammer ng P5 million kapalit ng pagpapalabas ng kanyang life story sa kilalang drama series sa telebisyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rosemarie Peñamora Tan (@rosmar.2021)


Natanong kasi siya kung papayag ba siyang gawin ang life story niya at kung sino ang nais niyang gumanap bilang Rosmar Tan.

“May nag-alok na nga po sa akin na ipalabas ang life story ko, pero na-scam po ako. Pero sabi niya may bayad po ganyan. Inaasikaso ko pa po yung cade na yun.

“Although gusto ko po talagang gawin yung life story ko para mas marami pa akong ma-inspire. Pero yun nga po, ganu’n po yung nangyari,” rebelasyon ni Rosmar.

Pagpapatuloy pa niya, “May nagpanggap kasi na parang staff daw siya ng ‘Magpakailanman’ pero nalaman ko hindi pala siya affiliated sa show. So, nakapagbayad po ako sa kanya ng P5M.

“Nangako po siya sa akin na ibabalik niya, nagipit lang siya. Ako naman po naniniwala kasi sa akin kasi naaawa naman ako.

Baka Bet Mo: Rosmar Tan sinugod ng mga humihingi ng tulong: Huwag po kayong mananakot

“Kaso taon na ang nakalipas tapos kung anu-ano pa ang sinasabi, du’n na po ako nag-file ng kaso. Tapos ngayon po, hinihintay na lang namin yung resulta,” pahayag pa ng content creator.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)


“Pero yun nga po, kung may gustong magpalabas ng buhay ko, why not po. At yung gusto ko pong gumanap sa akin ay yung idol ko po na si Marian Rivera at ang aking ultimate crush na si Dingdong Dantes (na gaganap bilang asawa niya).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Bata pa lang po kasi ako siya na yung ultimate na idol kong lalaking artista. Nag-meet na po kami sa Family Feud,” saad pa ni Rosmar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending