Character actor ang tigas ng mukha… mareklamo na, abusado pa
SINAYANG ng character actor ang chance na muling makatrabaho ang generous Japanese producer dahil sa balitang naging abusado raw ito.
Ilang beses nang nag-produce ng pelikula para sa mga Filipino actors ang nasabibg Japanese producer pero mukhang hindi na niya feel kunin ang sikat na character aktor.
Medyo kilala na ang Japanese producer na ito dahil ilang beses na siyang nakatrabaho ng mga sikat nating artista kaya naman ang ilan sa kanila kapag nalamang siya ang producer ay talagang nagye-yes agad.
Baka Bet Mo: Alodia nagpaliwanag sa ‘sinayang’ post: It was based on a meme quote
Ito na ang kuwento na talagang ikinawindang ng aming source na kasama mismo sa Japan nang mag-shoot sila.
“Wala kasing plus one nu’ng nag-shoot kami sa Japan kaya lahat ng artists, kanya-kanyang bitbit ng gamit, lahat ikaw magdadala, e, itong si ____ (character aktor) feelingero, iniiwan ba naman ang mga gamit niya sa sasakyan at ang nagbubuhat ay ‘yung isang producer din sa Japan na may edad na.
“Alam naman niyang kanya-kanyang bitbit sila ng gamit, hindi pa rin kinukuha, ang tigas nga ng mukha, pinapakuha pa mismo du’n sa matanda. Siyempre nahiya na lang kaya kinuha since sa bahay niya nag-stay ang artista at sa iba rin naman ang staff and crew.
“Biniro nga siya ni ____ (lead actor sa movie) na may sarili siyang PA o personal assistant at tumawa lang si ____ (character actor),” sabi pa.
Nang matapos na raw ang pelikula at oras na ng pamamasyal at shopping na kilala naman daw ang mga Hapon na mababait at mapagbigay kaya sinabihan ang mga artist ana bumili sila ng something bago sila umuwi ng Pilipinas.
Baka Bet Mo: Herlene Budol ‘sinayang’ daw, nangakong gagalingan sa Miss Tourism World
“Alam mo ginawa ng lolo mo, mega-shopping talaga lahat ng branded at gadgets, napatingin nga ang lahat, kasi sina ____ (lead actor at ibang kasamang artista) ay isa o dalawang piraso lang ang binili kasi nahiya sila.
“Si ____ (character actor) walang hiya-hiya sa kanya, napatingin nga si Sofu (grandpa) kasi ang daming laman ng cart. Pero nag-smile na lang,” kuwento ng aming source.
At kaya namin nabanggit na sinayang ng character actor ang chance ay dahil may movie uling gagawin ang Japanese producer at gusto niya uling makatrabaho ang lead actor sa isa niyang pelikula.
Pero nang banggitin ang name ng character actor ay ang tigas daw ng iling nito at sabay sabing, “No, no! He’s hard to work.”
Anyway, kilala namin ang character actor na ito noon pang nagsisimula siya sa showbiz at malayong-malayo ang mga narinig naming kuwento sa pagkakakilala namin sa kanya lalo’t disiplinado rin ang kanyang dating manager.
Baka nga kaya pinakawalan na siya ng dating manager dahil may attitude problema na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.